Edna Calixto, sana matuto sa bonggang PR ni Trixia del RosarioANO itong balita na balak daw magrebelde ni Sarah Geronimo dahil sa paghihigpit ng kanyang mga magulang in relation to her lovelife?!
Tahasan daw ipinagbawal ng mga magulang ni Sarah na makipag-MU si Rayver Cruz at trulili, Venigna Vangkiyod na dinuro-duro ng tatay ng Pop Princess si Papa Rayver para pagbawalan ito na kausapin si Sarah at huwag na huwag itong ligawan!
Jaws ko pong itik na naging pato! Ano’ng gagawin nila kay Sarah? Gagamusin na lang ba ang byuti nito? Four jaws four son two, hindi na po tinedyer si Sarah para paghigpitan ng ganyan! And methinks Sarah has been a good girl at walang bahid ng kalandian kaya we’re sure hindi naman magbubuyangyang ng kanyang keps ang dalaga. Love helps para magkaroon ng inspirasyon at kulay ang kanyang pagkanta, divanini?!
***
BY THE WAY, maisalba kaya ni Sarah G. si Loren who seem to have been sinking sa surveys? Di siya makahabol kay Mar sa kabila ng suportang ibinibigay ni Sen. Manny Villar, at ang magagandang adverts. Sabi ni Alik Gonzales ng Zamboanga City, hindi naman daw siya naniniwala sa mga survey survey na ‘yan kasi di naman daw thorough ang sakop ng pinagsu-survey-han at kakaunti lang na tao.
Sey ni Alik, ang buong Muslim community sa Zamboanga ay solid kay Sen. LOREN LEGARDA dahil marami na itong tulong na naipararating sa Mindanao. Katunayan, aniya, adopted daughter ng mga Muslim si Sen. Loren. Anyway, Sarah G. is one of the country’s bankable endorsers kaya there’s no question. Check!
***
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhn7dnJYLz14xqrFLHISD4yXyiVAmcgkaCRdBOOqt6KpWswB5Qu74By9v87Ieg4NcZQPygXsBVmk724YPkpm-3UHc9yWtuftvWd2YBCduTasUWLm0qSd3rQODPHoyGwcnkMowwEg64ZWq3d/s320/claudine.jpg)
UTANG buot, someone tell Claudine Barretto na mag-reduce naman. Napanood namin ang 2nd episode ng “Claudine” at napakaganda ng storyline at craftmanship, syempre pa directed by our very good friend Direk Joel Lamangan.
And we heard over the grapevine na naungusan ng Claudine ang long time running drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya last Saturday. We are bound to believe naman this high rating of Claudine dahil napanood namin mismo at ang galing galing ng buong cast, from Claudine Barretto, Wendell Ramos and TJ Trinidad! Napaka-bold ng story and knowing Direk Joel, di palalamang sa ibang direktor kaya napakaganda ng kinalabasan ng nasabing episode.
The only blunder was Claudine’s obesity. Sure, she still has the face that can launch a thousand ships, but the ships seem to have grown into her body. Sa trulili lang, anoh, ang shoba-shoba kaya niya at naumay ako! Please lang, magtrim down ka Clau, kasi nakaka-distract. Ano sey mo Greta?
***
TRULILI again and again, nagulat ang mga kolokadidang ko na sina Claire at Tsong Edz nang ma-witness nila itong paglipat ng ‘bakod’ ng mga barangay officials sa Pasay City. Maraming kinabahan na maka-Peewee at maka-Tita Connie Dy dahil sa suportang ipinakita sa magkapatid na lider ng Team Calixto na sina Tony at Emi.
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhHrJ4lXo4Li-0__H7LPsRWxIx89Vg5WA_iW1L1eogfqvZRNY1cvN6cySa835KkC-z54eAV9mfTeLDc3k2yI8muVNDSmSF8cMupV1lUX4EA2E7aR8dZGMRT_u6XDyD9jz1j-CkxLSOI8Uty/s320/kla.jpg)
Nanghinayang tuloy kami dahil hindi ako nakarating sa imbitasyon sa atin ni pretty Trixia del Rosario na sa true to life lang, ay napaka-bongga ng PR nito. Kaya hindi na kami nagtataka kung dagsain man ito lalo na ng mga barangay liders dahil si Madam Trixia del Rosario ay bukod sa beautiful face and body ay napakahitik sa ideya at punumpuno ng talino! Bonggang bongga pa talaga ang PR niya, bibong bibo, wis plastik, isang bagay na nais naming matutunan ni Madam Edna Calixto, ang maybahay ni Vice Mayor Tony, dahil ano’ng malay natin, baka buksan ng langit at ang susunod na mayor natin ay si Tony, meaning magiging First Lady si Madam Edna who needs to put off her shyness.
Kudos sa extra PR ni Trixia, who knows, dahil dito’y maging mayor nga si Tony! Ano sey mo, Venigna Vangkiyod? Pakibaba na nga ang kilay ko!
Pero wait, sey naman ni Manang Zeny di daw patitinag sina Mayor Peewee at Greg Alcera sa pag-ober da bakod na ito ng mga barangay liders! Matibay na daw ang pundasyon ng dalawa kaya di sila nagpapaapekto sa ganitong strategy. Yun na!
***
HOW true na super lakas ng dating ni Coco Martin sa ABS-CBN top honchos? Biro mo naman, umaga - tanghali - gabi - kahit hatinggabi, lunes hanggang biyernes, mapapanood mo si Coco. Natutuwa naman kami na ang dating “masahista” ay bumobongga ang karir!
May nagdududa tuloy kay Coco na may kolokadidang daw na bading ito kaya left and right ang kanyang offer. But we don’t think so, wala naman kaming “naaamoy”! Naaamoy daw oh! We believe this is NOT TRUE. Itong si Coco ay malalim ang akting at totoong talentado.
To date, Coco Martin has done 15 movies since starting out in showbiz some time in 2001; he was still using his real name, Rodel Nacianceno, then. Out of these 15 films, 13 are independent productions, hence his being tagged as the prince of the Pinoy indie films.
His foray into the digital film genre was in the movie “Masahista” where he was re-christened as Coco Martin. “Masahista” was a movie of firsts for Coco – this was where he got his first starring role, this was his first movie which competed in an international film festival and this was the first movie where he won an acting award for (Best Actor, Young Critics Circle of the Philippines). The success of “Masahista” guaranteed his place in Philippine showbiz. He first appeared in GMA7’s “Daisy Siete: Isla Chikita” before moving to ABS-CBN.
Ngayon he’s shooting “Sa Iyo Lamang”, a movie with Lorna T., and being paired with Bea Alonzo, a star-studded movie directed by Laurice Guillen.
Our little boy of Pampanga is fast becoming the hottest male star dahil naniniwala kami na magaling talaga sa kanyang craft.
At tiyak kami na hindi matatabunan ang akting ni Coco! Sey mo John Lloyd? Di kaya malaking threat sa career mo ang isang Coco Martin?
Magkano? Hahahaha!