21 July 2010

echos lang sa wish ko lang!


SPEECHLESS ………at mga luha na lamang ang aking kasagutan sa hindi ko maipaliwanag na naramdaman, sa isang sorpresa. Hayaan nyo na muna ako mga dear readers, na magbalik-tanaw sa aking kapanahunan, hindi ko alam kung saan ako magsisimula at hindi maubos-ubos mga luha sa aking mga mata.

Una kay GOD, nagpapasalamat ako, na talaga naman nariyan siya palagi sa mga taong nangangailangan ng tulong, at isa ako sa hindi Niya pinabayaan, sa kung man karamdaman na dumapo sa inyong lingkod at halos buwan na rin ang inilagi sa pagamutan.

Nitong mga nagdaan linggo, sinorpresa ako ng GMA-7 WISH KO LANG hosted by Vicky Morales. Hindi ko maipaliwanag at hindi ako makapagsalita sa aking nakita. Way back year 1969, ng ako’y nasa showbiz industry pa na may programang “ECHOS LANG”. Diyos ko, sobrang saya ko, ng muli kong balikan ang mga alaalang iyon at personal ko pang nakadaupang-palad ang mga taong nakasama at kahati sa lahat ng bagay ng mga panahong iyon.

Walang katapusang pasasalamat ang aking ipinaaabot sa Wish Ko Lang, GMA-7, dahil sa kanila hindi ko ngayon iniisip ang aking karamdaman nang muli kong masilayan sina sa mag-asawang Congw. Lani Mercado at Sen. Bong Revilla, Dulce, Eva Eugenio, Lou Veloso, ang buong Golden of the Gays na personal akong dinalaw at nagpaabot ng kani-kanilang mga tulong, sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), sa nagpaabot ng kanilang pagbati at tulong kay German Moreno, Cristy Fermin, Ms. Katrina Halili, sa lahat lahat, patawarin ninyo ako kung hindi nabanggit ang ilan sa inyo, dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na magaganap iyon, labis-labis ang aking kasiyahan naramdaman, dahil buhay na buhay ang “Echos Lang”.

Oo, siyempre pa sa management and staff ng People’s Brigada News, kay Leo Villan, Mary at Francine at sa mga nakasama ko sa buhay politiko, maraming salamat, siyempre pa sa buo kong pamilya na silang nag-aalaga at umiintindi sa akin, sa mga mababait na doctor at nurse ng Manila Sanitarium hospital .

Sa kabuhayan ng ibinigay ng Wish Ko Lang, sa Golden Gay Foundation, napakalaking tulong iyon, maraming salamat.

Alam ko na ang nangyaring ito sa akin ay hindi pagtuldok sa akin nasimulan, kundi isang panimula, panimula na muling buhayin at ipagpapatuloy ang mga kabutihan na ating nasimulan, marunong si God at alam Niya kung hanggang saan susubukan ang Kanyang nilalang, hindi siya magbibigay ng isang pagsubok na alam Niyang hindi ko kaya.

Alam ko na gagaling ako sa aking karamdaman, dahil marami pa akong gustong tulungan, lalo na ang mga matatanda sa Golden Gay Foundation. God, alam ko na may isang Anghel kayo na ipapadala sa akin, para ako ay gabayan. MARAMING SALAMAT!!!

No comments:

Post a Comment