21 July 2010

Public service...Bong at Lani swak na swak


WALA talaga tayo ma-say sa mag-asawang ito na sina Congresswoman Lani Mercado at Senador Bong Revilla, super duper hanga ako sa kanila. Bukod sa pagiging matulungin ng mga ito ay napaka-kind hearted. Hindi lamang ito napatunayan noong mawala ang hari ng pelikulang Pilipino na si FPJ. Ang mag-asawang ito ang tumutulong sa mga showbiz personalities at writers sa sinoman nangangailangan ng tulong.

Yes, Venigna Vangkiyod! Hindi nakapagtataka kung bakit mahal na mahal sila ng Sambayanang Filipino, dahil sa taglay ng kabaitan nila, lalo na si Lani, sinabi nito sa atin na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya sa lalawigan ng Bacoor, ganun din si Bong sa bansa.

Nang minsan nga tayong nag-guest sa Moms na pinaghohost nito sa QTV-11 at nabanggit ko lamang na may gaganaping party ang wrangler o mga jurangis ng Golden Gay, wala ng sali-salita at ora mismo sa araw ng party maraming pinadalang pagkain, bigas.

Kaya naman tinanghal na Darling of the Press ang mag-asawang ito. Ang hinahangaan ko pa sa mga ito, kapag nagpatawag ng presscon ay hindi naninino ng media, basta kung sino ang dumalo ay welcome na welcome, may dyaryo ka man o walang sinusulatan ang tanging nasa isip lamang nila ay ang makatulong at hindi iyong sila lamang ang makikinabang.

Gaya na lamang nitong pasasalamat na ginawa ng mag-asawa sa katatapos na halalan, Box office hits talaga at bongga pa ang kanilang host na si mader Lily.

oOo

‘Mag-asawa na lagging saklolo’

Yes, Venigna Vangkiyod, Bong at Lani pa rin tayo, dahil nakarating sa ating kaalaman na isasama raw ang kontrobersiyang si Katrina Halili sa gagawing pelikula ni Bong sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang Panday series. Ika nga eh, kung sino raw ang nangangailangan ng tulogn ay tutulungan.

Pero ayon naman sa butihing Kongresista Lani, malaki ang kanyan tiwala sa kanyang asawa na si No. 1 Senator Bong Revilla.

Balita nga raw ah, baka ma-reincarnate si Katrina sa Panday, dahil ang Lizardo na kontrabida rito na ginanapan ni Philip Salvador ay siyang gagampanan ni Katrina at gagawing siyang Lizarda.

Diyos ko Day! Kilitiin mo nga ako!

Kaya kay Bong at Lani, keep up the good work at pagpalain kayo ng Diyos!

echos lang sa wish ko lang!


SPEECHLESS ………at mga luha na lamang ang aking kasagutan sa hindi ko maipaliwanag na naramdaman, sa isang sorpresa. Hayaan nyo na muna ako mga dear readers, na magbalik-tanaw sa aking kapanahunan, hindi ko alam kung saan ako magsisimula at hindi maubos-ubos mga luha sa aking mga mata.

Una kay GOD, nagpapasalamat ako, na talaga naman nariyan siya palagi sa mga taong nangangailangan ng tulong, at isa ako sa hindi Niya pinabayaan, sa kung man karamdaman na dumapo sa inyong lingkod at halos buwan na rin ang inilagi sa pagamutan.

Nitong mga nagdaan linggo, sinorpresa ako ng GMA-7 WISH KO LANG hosted by Vicky Morales. Hindi ko maipaliwanag at hindi ako makapagsalita sa aking nakita. Way back year 1969, ng ako’y nasa showbiz industry pa na may programang “ECHOS LANG”. Diyos ko, sobrang saya ko, ng muli kong balikan ang mga alaalang iyon at personal ko pang nakadaupang-palad ang mga taong nakasama at kahati sa lahat ng bagay ng mga panahong iyon.

Walang katapusang pasasalamat ang aking ipinaaabot sa Wish Ko Lang, GMA-7, dahil sa kanila hindi ko ngayon iniisip ang aking karamdaman nang muli kong masilayan sina sa mag-asawang Congw. Lani Mercado at Sen. Bong Revilla, Dulce, Eva Eugenio, Lou Veloso, ang buong Golden of the Gays na personal akong dinalaw at nagpaabot ng kani-kanilang mga tulong, sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), sa nagpaabot ng kanilang pagbati at tulong kay German Moreno, Cristy Fermin, Ms. Katrina Halili, sa lahat lahat, patawarin ninyo ako kung hindi nabanggit ang ilan sa inyo, dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na magaganap iyon, labis-labis ang aking kasiyahan naramdaman, dahil buhay na buhay ang “Echos Lang”.

Oo, siyempre pa sa management and staff ng People’s Brigada News, kay Leo Villan, Mary at Francine at sa mga nakasama ko sa buhay politiko, maraming salamat, siyempre pa sa buo kong pamilya na silang nag-aalaga at umiintindi sa akin, sa mga mababait na doctor at nurse ng Manila Sanitarium hospital .

Sa kabuhayan ng ibinigay ng Wish Ko Lang, sa Golden Gay Foundation, napakalaking tulong iyon, maraming salamat.

Alam ko na ang nangyaring ito sa akin ay hindi pagtuldok sa akin nasimulan, kundi isang panimula, panimula na muling buhayin at ipagpapatuloy ang mga kabutihan na ating nasimulan, marunong si God at alam Niya kung hanggang saan susubukan ang Kanyang nilalang, hindi siya magbibigay ng isang pagsubok na alam Niyang hindi ko kaya.

Alam ko na gagaling ako sa aking karamdaman, dahil marami pa akong gustong tulungan, lalo na ang mga matatanda sa Golden Gay Foundation. God, alam ko na may isang Anghel kayo na ipapadala sa akin, para ako ay gabayan. MARAMING SALAMAT!!!

Miracle of Prayers....



YES! VenignaVangkiyod……sa dami ng milagrong nangyari sa buhay sa madir nyo, ito ang hanggang sa ngayon ay hindi ko makakalimutan. Una, ang Miracle of Prayer, ika nga, walang imposible sa Kanya, kumapit ka lamang. At ito nangyari sa akin ngayon, hindi ako bumitiw sa Kanya, 3:00 am everyday, lagi akong nagdadasal kay Lord na kung anuman karamdaman meron dumapo sa akin, pahilumin Niya dahil alam kong marami pa akong misyon sa mundong ibabaw na ito, marami pa tayong matutulungan.
Oo, at ito hindi Niya binigo, sa mahigit sa isang buwan kong namalagi sa pagamutan at maraming hospital na rin ang ating pinasukan dahil sa hindi malaman kung anong sakit meron ako. Hanggang ang pinakahuling hospital ay ang Manila Sanitarium (Adventist), dito na-detect ang aking sakit sa tulong Dr. Ruben T. dela Cruz, neuro-surgeon at kay Dr. Martin. Chronic Inflammatory Demyelinating Polyneuritis (CIDP), at ang aking kailangang medication ay Hyperimmunoglobulin intravenously (IV Ig) 10 vials per dday for 5 days a total of 50 vials IV Ig.
Oh, my God sa isip ko, muntik na tayong bumigay dahil hindi biro ang medikasyon sa akin sakit, saan ko kukunin ang P99,000.00 a day para lamang sa aking gamut. Hindi ako nawalan ng pag-asa dahil ko malakas ako sa Kanya at alam Niyang hindi ako nakakalimot thanks God, at kahit papaano ay tuloy-tuloy ang pagrekober ko ngayon, kung dati halos buo kong katawan ay hindi ko na maigalaw, ngayon, ang lakas-lakas ko na, naigagalaw ko na ang buo kong katawan.
PANGALAWA, SA 4-LIFE TRANSFER FACTOR, opo mga kapatid, isa rin sa MIRACLE HEALING ito sa akin, dalawang araw pa lamang akong umiinom na capsule na ito ay napakalaki ng recovery ko, lalo na ang ginagawa sa akin na THERAPY, isang napakalaking bagay, na noo’y sinasabi ng mga manggagamot na hopeless na ang sakit ko.
Noon naririnig ko na kay Cory Quirino at Manoling Morato ang Transfer Factor at ngayon ko lamang ito sinubukan at totoo nga! Hindi rin ako nagtataka kung bakit halos 90% sa mga showbiz personality ay ito rin ang ginagawang food supplement.
Halos hindi ko na ata pa, matapos-tapos itong ikuwento, pero anyway, nagpapasalamat pa rin ako kay kaibigang Lou Veloso, sa pamamagitan niya tinulungan niya ako sa Wish ko Lang! Subalit, sa kabila nito, hindi ko pa rin lubos maisip, ayaw ko man sana silang patulan, pero kailangan kong mag comment maibsan man lamang ang sama ng aking nararamdaman ko.
Pero, nagpapasalamat pa ako sa kanila, kasi bakit ganun ang tao, nasa hukay na nga is mong paa, kinaiingitan ka pa rin, tulad ko ang sakit ko daw ay ‘Echos lang!”, ito lamang ang masasabi ko sa inyo, salamat! Kahit minsan ng nanganib ang aking buhay, nariyan kayo, nasubaybayan ninyo ang serye ng aking buhay, hindi ko masisi kung bakit kayo pa ang aking mga detractors. Maraming Salamat! Para nga pala sa mga nagnanais na ako ay kontakin ito po ngayon ang aking mobile number 09398060888.
oOo
Mayor Lim, DILG, Isko, Mayor?
Tama ba ang ating narinig na ang butihing alkalde ng Manila na si Mayor Alfredo Lim ang magiging head ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ang mabait na masipag naman nitong si Vice Mayor Isko Moreno, ang uupo sa kanyang puwesto?

Hindi magkakamali si P.Noy sa pagpili kay Mayor Lim at masuwerte rin ang mga ManileƱo kay Isko kung ito man ang kanilang magiging ama ng lungsod.



jj, suko na sa mga pasaway na bayot!

YES, VENIGNA BANG KIYOD! Kung suko na sina Kris Aquino at James Yap, parang susuko na rin si JJ, hindi sa kung anong hirap ng aking karamdaman sa ngayon at hirap ng kalagayan sa lahat, kundi parang susuko na rin ako rito sa mga baklang gurangis sa Home for the Golden Gays, sobrang mga pasaway, ay ewan ko ba, hindi ata ako mamamatay sa sakit ko kundi dito sa mga baklang ito.
UTANG NGA BUOT! Mga bakla, tumino naman kayo, sa tatlong buwan kong nakatira na sa hospital magmula sa Ospital ng Maynila hanggang Sanitarium, parang nawawala na kayong lahat sa sarili, ay ewan! Parang pati na rin ako sa inyo ay mahawa na rin at mawawala sa sarili. Tulungan nyo naman ang sarili ninyo kahit wala ako sa tahanan natin.
Hindi ko na talaga maintindihan ang mga gurangis na mga baklang ito mga nawawala na sa sarili, siguro dahil na rin sa nalipasan ng gutom, walang pera dahil naubos sa kanilang mga lalaki, wala na mga pasaway na mga bayot, siguro pag nakalabas ako rito sa ospital, kelangan ko sigurong humingi ng tulong para makapagtayo ng Mental for the Golden Gays, kasi nga naman talagang tumatanda ng paurong ang mga baklang ito.
Mga pasaway…..hay naku, simula ng mawala ako pati ang mother ko, unti-unti na rin nalalagas ang buhok dahil sa mga pasaway na mga bayot na ito. Kaya sa Mommy ko, Mommy, mahabang pasensiya na lamang po, hindi naman natin puwedeng itaboy ang mga ‘bayot’ na yan, dahil talagang iyan na ang kanilang tahanan.
Anyway, bago pa tuluyan masira ang buhay ni JJ sa mga pasaway na BAYOT, Diyos ko naman yung gamot ko na GAMMAGARD ko na not available kailangan ko 5 vials, 2.25 lang daw ang available pero till now nega pa rin, kahit bayad na yun.
Sabi nga ni Cindy ng PCSO, baka lamang daw meron communication gap dahil sa bagong administrasyon, bakit naman ganun, sana naman dumating na ang gamot ko, dahil kung hindi pa raw ako makakainom ng gamot ko sabi ni Dr. Martin, baka maputulan na ako ng paa. My God, wag naman po.
Pero, nagpapasalamat pa rin ako unang-una kay God, dahil ang mg prayers ko ay sinasagot Niya, kahit hindi pa ako nakakainom ng gamot ko nagtataka si Dr. Martin sa malaking pagbabago ng aking katawan, kung dating hindi ako nakakilos pati mga paa ko, naigagalaw ko na.
Sa Therapy ko salamat at siyempre pa sa 4 LIFE TRANSFER FACTOR AT RIO VIDA, napakalaki ng recovery ko simula nung tini-take ko ito almost 3 weeks pa lang, naigagalaw ko na ang aking mga paa, kung dati sinusubuan ako, ngayon nagagawa ko ng kumain mag-isa.
Magkaganun pa man, hindi pa rin ako susuko sa buhay, magpapatuloy pa rin ako, dahil alam ni God na marami pa akong misyon gagampanan, tulad na lamang way back 1989 noong naoperahan ako sa colon cancer, halos may palugit na talaga ang aking buhay, pero dahil sa miracle ako’y nakaligtas. Kaya alam ko na ang sakit na ito ay malalagpasan ko rin at is na naman itong pagsubok, kasi alam ni God, na marami pa tayong matutulungan, mga bata na mapag-aral. Noong nakaligtas ako sa colon cancer, noong na-operahan ako, naging Konsehal ako ng Pasay at duon tayo maraming natulungan.
Para naman kay P-Noy, hindi ako naniniwala na matatapos ang kahirapan, hay naku, malamang hindi pa man matapos ang kahirapan e baka sumuko na rin itong si P.Noy, e, palagi nga itong late. Saka isa pa, hindi magwawakas ang kahirapan, hanggang maraming Pilipinong, nagkakasakit, maraming anak ang bawat isang pamilya na pakalat-kalat sa kalsada, at korapsiyon.