19 April 2010

Tanggapin kaya ni Noynoy ang hamon ni Manny V?

Dennis at Jennylyn, naispatang HHWW sa HK

HINAMON ni Nacionalista Party (NP) Presidential bet Sen. Manny Villar ang kanyang mahigpit na katunggali sa pagkapangulo na si Sen. Benigno “Noynoy” Aquino ng Liberal Party, para sumailalim sa isang psychiatric test at iba pang medikal na eksaminasyon para patunayan na wala silang sayad at maaaring umupo bilang Punong Ehekutibo ng bansa.

Tanggapin kaya ni Sen. Noynoy ang hamon?

Para sa amin, hindi sapat na ang sasagot sa isyung ito ay mga abogado o ibang tao mula sa kampo ni Sen. Noynoy. Hindi nila tularan si Sen. Manny na siya mismo ang sumasagot sa mga akusasyon o hamon na ibinabato sa kanya. Wala bang sariling “bait” si Sen. Noynoy at hindi niya kayang sumagot? Bakit kailangan ibang tao pa ang sumasagot?

Ang pagsasailalim ni Sen. Noynoy sa isang “comprehensive physical and mental examination” na sinasabing peke raw sabi ng Ateneo de Manila Psychology Department at ni Fr. Tito Caluag, S.J., ay kailangan pang abogado ang magbigay ng pahayag patungkol dito? Nagtatanong lang po!

***

NAKAAASIWA ang pagwo-walkout ni Gretchen Barreto sa sarili niyang presscon. Marami tuloy ang nagsasabing gimik lang daw ang ginawang pag-iyak ni Greta habang iniinterbyu siya ng media sa Libis kamakailan, para sa promo ng ini-endorso niyang sabong pampaputi. Wala naman daw dahilan para mag-walk out ito, tulad nga ng kanyang ginawa na labis na ikinaloka ng marami nating kaibigan sa media.

Sey pa ni Venigna Vangkiyod, nangongopya lang ng istilo si Greta para mapag-usapan. Anovahnini?! Mukhang gusto lang daw niyang magkaroon ng trono! At ano namang trono ini? Walk out Queen daw? Ay sori, hindi siya ang only, hindi siya ang una, at hindi siya ang original.

Hay naku Greta, mag-isip isip ka naman ng panibagong gimik. Or else, you’re just a copycat ng mga naunang walk out queen.

Hendevaduday?!

***

NAGALIT daw si Governor Vilma Santos sa nagpapakalat ng maling balita tungkol sa kanyang panunungkulan bilang punong ehekutibo ng Batangas. Lalo na nang mapansin niya na ilang Lunes na tuwing flag raising ceremony ay kakaunti ang government employees na umaattend ng nasabing weekly event sa Kapitolyo.

Nagsimula nang magkampanya si Batangas Governor Vilma Santos for reelection noong Biyernes, March 26, sa municipality ng Sto. Tomas. Ang araw na 'yon ang opisyal na simula ng 45-day campaign period para sa local officials. Kasama ni Governor Vi sa pag-iikot ang asawa niyang si Ralph Recto na tumatakbo for senator at si Vice Governor Mark Leviste.

Marami ang nagulat nang simulan ni Governor Vi ang kanyang kampanya sa Sto. Tomas municipality, kung saan kasalukuyang mayor si Edna Sanchez, ang asawa ni Armand Sanchez. Si Armand ay karibal ni Vilma sa posisyon na gobernador ng Batangas.

Bagamat balwarte ito ng mga Sanchez, mainit na tinanggap ng mga taga-Sto. Tomas si Governor Vi. Pinuntahan din ng mag-asawa ang Tanauan City nang gabing iyon. Dapat sana ay kasama si Ralph sa kampanya ng Liberal Party sa Metro Manila ngunit mas pinili niyang sumama sa kampanya ng kanyang asawa. Binigyang importansiya ni Ralph ang makapag-kampanya sa mga kapwa-BatangueƱo imbes na sumama sa national campaign ng Liberal Party na pinamumunuan ni Noynoy Aquino at Mar Roxas.

***

HOLDING HANDS WHILE WALKING daw sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa Hong Kong nu’ng Semana Santa, bagay na di itinanggi ng binata nang humarap siya sa madla sa pamamagitan ng Chika Minute segment ng GMA-7 News program na 24 Oras. Pero hindi naman nilinaw ng dalawang bida ng Gumapang Ka Sa Lusak kung sila na ngang dalawa. Ang malinaw lamang ay nag-e-enjoy silang dalawa sa company ng isa’t isa.

***

MAY karapatan ang dethroned Bb. Pilipinas-Universe 2010 na si Venus Raj na i-reclaim ang kanyang throne dahil nakikita naman namin na maganda, magaling at mahusay sumagot ang dalaga. Malaki ang pag-asa niyang maibalik ang binawing korona dahil maliit lang na bagay ang problema nito sa birth certificate. Ano nga ba’t sinabi ng Bb. Pilipinas Charities Inc. na kung makakakuha ng passport ang dalaga ay ibabalik nila ang kanyang titulo at siyang ilalaban sa Miss Universe 2010 pageant.

Sabagay, kung di man maibalik ang korona sa kanya, marami nang producers ang gustong kumuha ng kanyang services, kabilang na rin ang film, commercial at TV projects.

The continuing drama of Venus’ dethronement and possible vindication, is truly unprecedented in the history of beauty contests all over the world. The intensity of verbiage that detonated in internet blog sites, the might of texting fury that blazed and whizzed the entire breadth of the archipelago, the vigor of signa...ture campaigns that sprouted in provincial malls, are testimonies to the capacity of Filipinos to wage a righteous indignation to any form of injustice against truth, and now—against beauty!

***

HINDI matanggihan ni Direk Joyce Bernal ang bagong game show ng GMA-7, ang Wachamakulit, na mapapanood na sa April 16.

Panibagong pagsasama nila ito ni Eugene Domingo na siyang host.

First time raw niyang magdirek ng isang kiddie show kaya, “pinawisan ang kili-kili ko! Mahirap!...” sey ni Direk Joyce. Kuyafi lagong!

No comments:

Post a Comment