24 February 2010

Sexbomb, Juday at Iza Calzado pasado

Sa infomercial ng Comelec, p'wede!


BLIND ITEM: Talaga namang nagkalat ngayon kung saan-saang sulok ng Philippines ang mga showbiz reporters na paistar! At kuwidaw, literally sila’y nagkakalat! Naispatan natin ang reporter na itech sa isang totyal na casino na may tatlong araw nang wis uwi-uwi at mega-camouflage na lang ng cologne ang wa shower at mashohong scent nya! Wa ka kuyafiiiii?!


Ayon sa bubuwit ni Lakay Deo Macalma at Pangga Ruth Abao (Ahaha! Sabi vah manghiram ng bubuwit?), malakas ang kita ni reporter dahil ang mga alaga niya ay kabi-kabila ang raket at fully-booked lagi sa iba’t ibang TV, commercial at movie projects. Kaya si reporter dahil sa avalanche ng cash sa kanyang bank account, galit na galit sa pera at sa casino niya naisipan idoneyt kuning kuning.

Wala namang masama sa pag-cacasino, tulad ng ibang libangan, kapag moderate ay okay lang. Pero kapag nasobrahan at araw-gabi nang ginagawa, eh bisyo na ‘yan, bad na, hendevaduday?!

MALAS talaga sa pulitika itong si Richard Gomez. Biro mo, diniskwalipika siya ng Comelec na tumakbo bilang gobernador ng Leyte . 2007 nang tumakbo siyang senador pero natalo. Nu’ng 2001 sumabak naman ang kanyang MAD partylist at nanalo sa kongreso, pero wis pinayagan si Goma na umupo bilang partylist representative. Tapos, ngayon nga’y kinuwestiyon ng isang konsehal ang kanyang paninirahan sa Ormoc, Leyte , na kinatigan naman ng Komisyon. Buti na lang si Herbert Bautista nang idismis ng Ombudsman ang graft charges na isinampa laban sa kanya tungkol sa ghost projects na umano’y abot ng P2.7-milyon.


Speaking of disqualification, isa pa rin itong si Abraham Kahlil Blanco Mitra na incumbent Palawan 2nd District Rep. at tumatakbong gobernador ng Palawan . Disqualified din sa isyung di daw siya lehitimong taga-Palawan. Pwede ba ‘yon eh congressman kaya siya ngayon. At ang kanyang dad Speaker Ramon Mitra ang nagpasa ng panukala para maging independent component city ang Puerto Princesa, ang capital ng Palawan . Makakalaban ni Baham ang car magnate na si Don Pepito Alvarez sa pagka-governor. Lumalalim tuloy ang crease sa aking noo kaiisip kung ano ang dahilan ng Comelec kung bakit dinisqualify si Baham. May kaugnayan ba ito sa pag-deklara ng Comelec na si Mark Lapid ang nanalong gobernador ng Pampanga nung 2007 elections! Ano vah dalawang buwan na lang eleksyon na naman, uupo pa ba siya n’yaaaaan?

OVERKILL na daw ang Ladlad. Share ito sa atin ni Mark Villar (president ng Villar Foundation at panganay ni Senator Manny Villar) nang makatsikahan natin siya sa isang barangay basketball league. Syempre Mark meant it on a positive note, saying na sa more than 10-million (male and female) gays and pro-gay supporters, swak na swak na raw sa Kamara ang Ladlad partylist ni Danton Remoto.


Natuwa naman si Danton sa remark na ito ni Mark. Actually, Manny Villar has been helping many projects of the Home of the Golden Gays. Marami ring members ng Silver Gays ang nagparating ng kanilang pasasalamat kay Manny V. through Mark. Isa na rito si Felix Miranda, isang singer sa mga bars sa Malate strip. May lumapit pa nga na mga parlorista at mananahi na nagsabing malaking bagay sa kanila ang commercial na Michael V on Manny V kung saan isang bading na parlorista ang ipinortray ni Bitoy. Sabi ni Junerose Abril, stylist at accessorizer ng Miss Earth pageant, it’s a good thing na hindi homophobic ang pamilya Villar, from Mark, Paolo, Camille, Congresswoman Cynthia and Senator Manny, lahat sila totoong friendly sa lahat ng uri ng tao – mahirap, mayaman, bata, matanda, bakla, tomboy, o straight. At ‘yan ang dahilan kaya’t suportado sila ng mga vading. In Cebu along with Charlotte Cinco and Joseph Nacion (Ladlad-Visayas) mga Villar-Legarda die hards sila.


Si Gay Sham Dading ng Cotabato City nga, isang ardent follower ni Cory Aquino. Pero ngayon siya’y Manny Villar supporter dahil sa pro-poor at pro-gay programs ni Manny V. Marami tayong kafatid na naghahanap ng kalinga sa namumuno sa ating bansa. Laugh all you will, Venigna Vangkiyod! Pero remember, Barack Obama became president dahil sinuportahan niya ang mga bading – there were an estimated more or less 10 million gays and pro-gays who voted for Obama. Ito rin ang dahilan kung bakit biglang nag-180º turn si Bro. Eddie na anti-gay before.

Ito rin ang tsika sa atin ni Alik Gonzales of Sibugay, Zamboanga, na 100% support siya kay Loren at Manny. Di lang naman during this season naging matulungin ang mga Villar, mayroon nga silang Villar Foundation na Oh diva naman? It really pays to be sincere in what you do, at iwasang maging mapang-uri. ‘Yun na!


BACK to Comelec, hindi daw sila mag-ha-hire ng “identified” celebrity na political endorsers ngayon para sa gagawin nilang infomercial para sa automated elections. Di lahat ng gustong mag-offer ng kanilang serbisyo ay pasado sa Comelec. Pero nabanggit ang mga pangalan nina Judy Ann Santos , Iza Calzado, at ang all-girl novelty group na Sexbomb Girls na pasado bilang stars sa Comelec infomercial kung sakaling papayag ang mga ito. Sori na lang kina Kris at Puppy Willie, talbog ang byuti nila! Kuyafi lagong!


MANINIWALA ka ba na sina Melai at Jason ay may relasyon? Ay naku suhulan man ako ng milyones bilyones trilyones ‘dayyyy di ako matitinag! They are not an ‘item’. May kani-kaniyang kolokadidang kaya ang PBB lovey doveys and I’m sure as azure na they’ll go back in the arms of the ones they love once they go back to their hometownz! Korekvakwoh?!

17 February 2010

Mga kandidato sa 2010 elections, HIV-positive!


BLIND ITEM: Sino itong isang dating sikat na bombshell ang ngayo’y wanted sa Estafa dahil sa fatung-fatong sapin-sapin salavat-salavat na utang at tatlong taon nang di nakakabayad sa condo unit na nire-rent to own nito sa Makati?! Ang dating beautiful, sexy and flawless actress ay di magkandaugaga noon sa kabi-kabilang raket including sunod-sunod na movie assignments, TV guestings, commercial endorsements at concert tours noong kasikatan niya! How true na gumon na daw sa pinagbabawal na gamot ang reyna taklesa kaya’t pati anak niyang piloto ay nag-give up na sa kanya at nag-fly away na sa abroad! Ang Malaysian-British descent na sexy star noon ay sobrang Payatolla Khomeini na now, at ngayo’y pinaghahanap siya ni Atty. Rogelio “Waray” Evasco pagkatapos magsumbong ng landlady ni bombshell dahil siya pa raw ang matapang kapag sinisingil, at may isang taon nang missing in action ang lowlah! Incidentally, si Atty. Waray ang founder ng PACYAW partylist na noon pa nagbibigay ng libreng legal consultancy and legal action sa mga mahihirap nating kababayan. Catch him on RHTV every Sunday 10-12nn, MWF 3-4pm. Ano ba usaping legal ba gow na!


DUMARAMI SILA. Yes, Venigna Vankiyod! Marami sa mga tumatakbong kandidato ngayong 2010 elections ang positibo sa HIV.. bumilang ka mula sa mga presidentiables, down to the konsehalibles, babae o lalaki man, nakakagulantang na 65% sa kanilang lahat ay HIV positive kahit hindi pa miyembro ng Bureau of Soils! Trulili, HIV as in Hair Is Vanishing, na ‘yung iba’y disimulado sa paglalagay ng wig o toupee, ‘yung iba’y medyo lumalawak ang playground ng mga kuto sa bumbunan, at ang embarrassing ay yaong mga abot hanggang puyo ang noo! Santamayangdebabazit! Meron pa namang solusyon d’yan and it’s not the end of the world! Go to JJ & J Rejuvination Center (www.justojusto.com or 09391227888) for a satisfying ‘reinvention’ of yourself! Ang cosmedic surgeon to the stars na si Dra. Jane Enriquez ang bahala sa inyo and you’ll be pleasantly surprised, promise!


LGU support. Speaking of HIV, na-excite naman ako nang dumalaw kami kay Mayor Peewee dahil dito sa kanyang Millennium Development Project para sa Pasay, at isa na rito ang information campaign against the dreaded HIV-Aids virus. I guess naging successful naman ang inyong lingkod sa anti-AIDS campaign ko noon as a councilor with the help of AIDS victim herself Sarah Jane Salazar. Successful dahil kahit tumaas ang incidence ng AIDS victims sa Pilipinas, isa lang ang taga-Pasay / nagtatrabaho sa Pasay na mayroong AIDS in ten years. And this time, hindi na sa mga club or gays nanggagaling ang AIDS victims, kundi sa mga yuppies or young professionals. Kudos, Mayor Peewee!


LP Pasay gems. Sa Pasay pa rin, nakaagaw ng pansin ko ang byuti ni Tricia del Rosario, ang maybahay ng business tycoon na si George del Rosario. Ahahay, pero di pa rin ako nagmo-morph na tomboy noh! Talaga lang hanga ako sa natural beauty ni Madam Tricia, at napaka-soft spoken at sweet na kausap. Sina George at Tricia ay mga staunch supporters ni Vice Mayor Tony Calixto at Konsehala Emi Calixto-Rubiano who incidentally are taking politics on another level: Tony challenging reelectionist Mayor Peewee, and Emi challenging reelectionist Lito Roxas in Congress. Bilib sila sa sa magkapatid na Calixto at alam nilang maraming kayang gawin ang dalawa. Anyway, another reason why Tricia caught my eye, is that she resembles my dear friend Lailing (my nickname for the beautiful actress Pilar Pilapil)… plangak mga ka-FS at ka-FB! Tricia’s smile reminds me of Lailing.. at nang magkuwentuhan kami kasama si teacher Neric Acosta, lalo naman akong natuwa dahil Bisaya pala ini at nagbisaya kaming tatlo! Kaya pala magaganda tayo devah?! Wa ka kuyafi, Mother Leony?!


FHM’s latest? Si Jackie Rice na nga ba ang susunod na sexiest woman? From being a tweetums wholesome actress ay nag-switch na nga ba into daring si Jackie Rice sa pagsabak niya sa bagong teleserye ng GMA 7, ang “Panday Kids”? Well, she’s got the face, she’s got the body.. why not flaunt it dibaga? Kung hindi nga siya gaanong hasa sa acting, singing, at dancing department, sa sexy-action nga puedeng masubukan ang forte ni Jackie. Just like Angel Locsin na wa sey sa acting, singing at dancing, dapat mag-concentrate na lang sa pag-display ng magandang mukha at katawan si Angel Locsin. Sana sa pagpapalit niya ng manager, Ms. Ethel Ramos will give this a thought. Di naman kasalanang mortal ang pagpapasexy.. it is where the likes of Vilma Santos, Lorna Tolentino, Jacklyn Jose and Rio Locsin were catapulted to stardom! ‘Yun o!

Dahil tigang, Maria at Dolphy lumayas sa Dos

BLIND ITEM: Nagulantang ako kuning kuning sa tumambad sa akin na tsismis na involved ang isang istariray na showbiz reporter na nag-mega appear sa White Bird Bar and Restaurant along Roxas Boulevard sa Pasay City noong Saturday night.
Guess who itong baklitang itech na truliling pinilahan ng mga male models! ‘Yan ay dahil knowing ng mga umbaw na mega-rich ang veteran showbiz reporter na ito dahil bawat lumapit na umbaw ay nagpamudmod ng kaperahan. At naloka ako ng husto dahil nang maubusan ng cash ang reporter, calling card na ang ipinamigay at hindi pa kanya kundi sa akin! Kuyafi lagong! Yes, calling card ni Justo C. Justo ang ginawang follow-up nang mag-ran out of cash ang baklita! Nagulat talaga ako nang napuno ng text messages at missed calls ang mga cellphones ko alas kuwatro ng madaling araw nitong Linggo galing sa mga umbaw na hindi ko kilala!!! Jaws ko poh itik na viglang naging pato!
Ang mas nakakaloka, nang makaalis ang reporter na ito sa White Bird, tsinek ng mga umbaw ang kanilang natanggap na cash tip mula sa reporter at muntik na silang masiraan ng bait! Why? Dahil tumataginting na two oh daw pala ang ipinamudmod na kuarta ng baklita! Two oh as in twenty, hindi dollars, hindi lapad, kundi pesos. Yes, Venigna Vankiyod, twenty pesos as in bente pisos gud. ‘Yun bang kulay orange na Philippine currency. Curifying lotion y kurifotsina fala! Wa ka kuyafiiiii?!

TO LOREN’S AID. Ipinagtanggol naman ni Alik Gonzales, nominee ng PAKYAW partylist, ang ating kolokadidang na si Sen. Loren Legarda tungkol sa balitang kaya daw humina ito sa survey ay dahil sa paglipat nito ng relihiyon from Christian to Muslim. Ayon sa Pulse Asia January survey, mula sa 37% nung December 2009 ay bumaba sa 28% si Loren, kumpara sa pag-akyat ni Mar Roxas from 39% to 47%.
Sey ni Alik na isang Muslim from Zamboanga at anak ni dating ARMM Governor Gonzales, naman yumakap si Loren sa Muslim faith, at kung truth man ini, hindi daw ‘yun ang magiging factor kung sakaling bumaba man ang popularity ni Loren sa surveys. In fact, voter preferences for Roxas and Legarda were “essentially tied” in Mindanao, sey pa ng brains and brawns na binata. Actually, sey ni Alik, dahil sa kanyang outstanding work for the cause of Muslims, Loren was bestowed the title of Bai a labi (Honorary Muslim Princess) by the Marawi Sultanate league. Agree din dito sina DOT Asec. Janet Lazatin at Len Somera na pawang nominees din ng PAKYAW partylist at nag-second the motion sila sa sinabi ni Alik. ‘Yun ‘yon!

AND NOW THE TRUTH. Oh Yes, Venigna Vankiyod, again and again… it’s confirmed! Nag-alsa balutan na from ABS-CBN sina Maricel Soriano at Dolphy at lumipat na sa TV5 ni Manny V. Pangilinan. Sey ni Manong Dolphy, ang paglipat niya sa network ni MVP ay bunsod ng pagiging tengga niya sa Kapamilya network ng mahigit tatlong taon.
Di rin nakatiis si Manong Dolphy to air his side sa mga nagpapatutsada against him na hanapbuhay lang daw ang dahilan ng endorsement niya kay Manny Villar. LOL daw ang tunay na dahilan sa pag-iindorso niya kay Manny V. LOL as in labor of love.
“Ang endorsement ko kay Manny V ay sinsero at mula sa puso. Ang paglipat ko ng istasyon ang puede nating sabihin na hanapbuhay,” sey ng Comedy King. Sey naman ng mga Doubting Thomases na nagtaas ng kanilang mga kilay, “Ayaw ko ug ilara tets, borereng ka!” Gets mo, Tina Fontanilla?

PATUTSADA. Laos na daw ang magic ng mag-asawang Vilma Santos at Ralph Recto sa pulitika. Ito ang parang apoy na kumakalat sa buong kapuluan na sinasabi ni former Batangas governor Armando Sanchez.
How true? Kasi daw, itong si Ate Vi ay absentee queen daw at disappearing queen. Sabi ni Gov. Armand, dumarating naman daw kapag Monday sa Kapitolyo ng Batangas si Governor Vi dahil lang sa flag raising ceremonies pero biglang nagdi-disappear at sa fire exit pa dumadaan. Pilloried for his role in 2006 in raising value added taxes on goods and services to 12 percent, eto naman daw si dating NEDA chief Ralph, di na raw makakaalis sa sumpa ng E-VAT na talagang nagpahirap sa mga tao. Sey pa ni Tay Armand, nakatatak na sa utak ng mga tao na kahit pa pirmahan ni Mam GMA anytime ang Expanded Senior Citizen’s Act, the damage has already been done. Ala eh dapat daw bayaran niya ang damage na ‘yun sa taumbayan. Ang concern ko, hindi kaya ito black propaganda lang? Ano sey mo Ate Vi? Open ang ating kolum for you to air your side.

GREETINGS GALORE. KAY bilis ng panahon! Aba’y next week Chinese New Year na! Chinese New Year 4708, or 2010 in the Western calendar, is the Year of the Metal Tiger. Also known as a Spring Festival, the Chinese New Year in 2010 falls on 14 February – Valentine’s Day.
Nag-predict ang ating friend na si Feng Shui Master Aldric Dalumpines (www.punsoy.com) na ang Year of the Tiger, will be a year of good fortune and vigor and will bring: A lot of romance luck – especially for those, who were born in a year, which ends with 6, for example, 1976, 1986, etc.; If someone is single and is going to celebrate 24th, 34th, 44th, 54th, 64th – any birthday, which ends with 4, the year of Tiger will bring romantic adventures. Sey rin niya na ang lucky colors for this year are white and avocado green.
Regular client ni Master Aldric kami ni Pangga Ruth Abao ng DZRH-TV at malaki ang naitulong ng kanyang advice sa amin, hendibaduday? Siyempre nag-uumapaw na ang blessings sa akin for the past years na pinapayuhan ako ni Master Aldric kaya wis ko mabuyag ang financial at spiritual blessings. Kaya go agad ako sa Baclaran to buy underwears na kulay green!
Teka muna, ang sinasabi ni Master Aldric ay halos kapareho ng sinasabi ni Joy Lim.. ay malolokey akey.
Paalala ni Master Aldric: “Remember, whatever the omens portend, for better or worse, you are the final master of your own fate. These ideas are provided for your enjoyment and amusement and are not meant to take the place of your own good sense.” Odivah? Agree or disagree? Spin a win!
Kung Hei Fat Choy!

Katrina Halili, magpapa-virginity restoration daw? Vakit?!

VIDEOKE Queen? Last Saturday night, pandemonium broke loose dahil sa impromptu solo recital ni Mommy D sa post-birthday concert ng Asia’s Sentimental Songstress na si Imelda Papin sa Aliw Theater. Maraming na-surprise sa singing prowess ng Pacmom dahil bukod sa walang rehearsal ang nasabing number, buong-buo ang voice ni Mommy D. Kahit ako nagulat ha… Maganda ang boses ni Mommy D, may timbre, at ito’y walang kasamang bola. Trulili lang ‘day… Mommy D, kahit gaano pa kaikli ito, meron kang future sa singing, promise!


TOGETHER again. I was so happy to see Gemma Franco who arrived with her son, upcoming balladeer Mitchell Allen Smith Jr., and her sister and brother-in-law. After 30 years, we were reunited and really it feels good. Nakakatuwa dahil family friend din sila ng Papin sisters – Gloria, Imelda and Aileen – who performed together onstage dito sa Aliw concert ni Imelda. Speaking of Imelda, the only Imeldific was ever present and stayed up to the end of the show.

Yes, oh yes, First Lady Imelda Marcos was very regal as always. Anyways, Gemma and her son will be going back to the US on February 8, and then si Mitchell Jr. ay lalaban sa international song festival sa Beijing, China this March – napili kasi si Mitchell ni no other than hitmaker Vehnee Saturno to sing four of his compositions. Vonggah! I’m so excited… and I just can’t hide it… I’m about to lose control and I think I like it! (Hmmmm.. ano ba title ng kantang ‘yan? Bagong bago! Hahahaha!) Gemma, I’m so proud of you! Good luck to you and Mitchell! Hala, bira!


LIKE a virgin. Ano itong balita na kumakalat na magpapa-virginity restoration daw ang FHM’s Sexiest Star na si Katrina Halili? Nakakaduda tuloy ang nasagap naming tsismis na ang bf ni Kat na si Kris Lawrence ay magpapa-penile enlargement naman daw! Aru! Wa ka kuyafiiiii?! Kung trulili ini, I would suggest Kat and Kris to go to Dra. Joy Solis and Dra. Joyce Jeroz na magagaling na surgeons at mga protégé ng internationally renowned cosmetic surgeon Dra. Jane Enriquez. Hollywood stars lang naman ang ilan sa loyal clients ni Dra. Enriquez, not to mention big names in the local showbiz and political industry! Oh, hulaan n’yo na lang kung sinu-sino ang satisfied retoke king and queens na hindi halata? My lips are sealed.


DANGAL ng Bayan. Incidentally, 2010 Dangal ng Bayan Awardees sina Dra. Jane, Joyce, at Joy, bilang pagkilala sa kanilang kagalingan sa field of medicine. In fairness, hindi naman ito ang unang award ng tatlong binibining dalubhasa (o! lavan ka sa Tagalog koh?) lalo na si Dra. Jane dahil punumpuno ang kanyang bahay, office, at clinic ng mga trophies, medals, plaque, at certificates… at Japan na leading developers of cosmetic surgery! She’s always concerned about the client’s welfare kasi, and after an assessment, kung alam ni Dra. Jane na hindi magiging maganda ang kalalabasan, hindi niya itinutuloy, que sejodang wa siya paysung. Unlike ‘yung ibang so-called “in-demand” na surgiclinics kuno, na kadatungan ang kino-consider sa kliyente, oe ano naman kung tumabingi ang fez o maimpeksyon ang inopera o di na kaya ng Bureau of Soils (the spirit is willing but the body is weak). Zohuwatt?! Sila nga naman ang in-demandah! Devah, Manny Calayan and Vicky Belo? Planggana kutsarita kaserola! and take note! Hindi lang ‘yan dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa including US, Japan, and Europe!


NO CONTEST. It’s confirmed! Kahapon doon sa aking bahay sa Manuyo Dos, Las Piñas, nagkaragulo ang mga supporters ni Mark Villar at di magkamayaw sa katatalon, katitili, kayeyehey, at kung anik anik pah! They seem so happy at akala ko panalo na si Mark Villar sa congressional race ng lone district of Las Piñas. I later learned na as of closing of the filing of COCs sa Comelec, walang nangahas na tumakbo against Mark, who is the son of Senator Manny Villar. Winner! Speaking of Manny, I’ve already made up my mind na Villar-Roxas ang tandem ko for president and vice president. Loren is a friend, pero tinabangan ako sa kanya dahil sa pag-rigodon niya ng partido at dahil na rin sa bansag sa kanya na “political prostitute’. Awts! Solid Mar Roxas na sana ako until I heard him na binatikos ng binatikos si Sen. Villar. Gusto ko pa naman sana siyang vice president alang alang kay Korina Sanchez. But then again, my options are now open. No to Loren, no to Mar… hay… sino kaya? Careful, careful!