17 February 2010

Dahil tigang, Maria at Dolphy lumayas sa Dos

BLIND ITEM: Nagulantang ako kuning kuning sa tumambad sa akin na tsismis na involved ang isang istariray na showbiz reporter na nag-mega appear sa White Bird Bar and Restaurant along Roxas Boulevard sa Pasay City noong Saturday night.
Guess who itong baklitang itech na truliling pinilahan ng mga male models! ‘Yan ay dahil knowing ng mga umbaw na mega-rich ang veteran showbiz reporter na ito dahil bawat lumapit na umbaw ay nagpamudmod ng kaperahan. At naloka ako ng husto dahil nang maubusan ng cash ang reporter, calling card na ang ipinamigay at hindi pa kanya kundi sa akin! Kuyafi lagong! Yes, calling card ni Justo C. Justo ang ginawang follow-up nang mag-ran out of cash ang baklita! Nagulat talaga ako nang napuno ng text messages at missed calls ang mga cellphones ko alas kuwatro ng madaling araw nitong Linggo galing sa mga umbaw na hindi ko kilala!!! Jaws ko poh itik na viglang naging pato!
Ang mas nakakaloka, nang makaalis ang reporter na ito sa White Bird, tsinek ng mga umbaw ang kanilang natanggap na cash tip mula sa reporter at muntik na silang masiraan ng bait! Why? Dahil tumataginting na two oh daw pala ang ipinamudmod na kuarta ng baklita! Two oh as in twenty, hindi dollars, hindi lapad, kundi pesos. Yes, Venigna Vankiyod, twenty pesos as in bente pisos gud. ‘Yun bang kulay orange na Philippine currency. Curifying lotion y kurifotsina fala! Wa ka kuyafiiiii?!

TO LOREN’S AID. Ipinagtanggol naman ni Alik Gonzales, nominee ng PAKYAW partylist, ang ating kolokadidang na si Sen. Loren Legarda tungkol sa balitang kaya daw humina ito sa survey ay dahil sa paglipat nito ng relihiyon from Christian to Muslim. Ayon sa Pulse Asia January survey, mula sa 37% nung December 2009 ay bumaba sa 28% si Loren, kumpara sa pag-akyat ni Mar Roxas from 39% to 47%.
Sey ni Alik na isang Muslim from Zamboanga at anak ni dating ARMM Governor Gonzales, naman yumakap si Loren sa Muslim faith, at kung truth man ini, hindi daw ‘yun ang magiging factor kung sakaling bumaba man ang popularity ni Loren sa surveys. In fact, voter preferences for Roxas and Legarda were “essentially tied” in Mindanao, sey pa ng brains and brawns na binata. Actually, sey ni Alik, dahil sa kanyang outstanding work for the cause of Muslims, Loren was bestowed the title of Bai a labi (Honorary Muslim Princess) by the Marawi Sultanate league. Agree din dito sina DOT Asec. Janet Lazatin at Len Somera na pawang nominees din ng PAKYAW partylist at nag-second the motion sila sa sinabi ni Alik. ‘Yun ‘yon!

AND NOW THE TRUTH. Oh Yes, Venigna Vankiyod, again and again… it’s confirmed! Nag-alsa balutan na from ABS-CBN sina Maricel Soriano at Dolphy at lumipat na sa TV5 ni Manny V. Pangilinan. Sey ni Manong Dolphy, ang paglipat niya sa network ni MVP ay bunsod ng pagiging tengga niya sa Kapamilya network ng mahigit tatlong taon.
Di rin nakatiis si Manong Dolphy to air his side sa mga nagpapatutsada against him na hanapbuhay lang daw ang dahilan ng endorsement niya kay Manny Villar. LOL daw ang tunay na dahilan sa pag-iindorso niya kay Manny V. LOL as in labor of love.
“Ang endorsement ko kay Manny V ay sinsero at mula sa puso. Ang paglipat ko ng istasyon ang puede nating sabihin na hanapbuhay,” sey ng Comedy King. Sey naman ng mga Doubting Thomases na nagtaas ng kanilang mga kilay, “Ayaw ko ug ilara tets, borereng ka!” Gets mo, Tina Fontanilla?

PATUTSADA. Laos na daw ang magic ng mag-asawang Vilma Santos at Ralph Recto sa pulitika. Ito ang parang apoy na kumakalat sa buong kapuluan na sinasabi ni former Batangas governor Armando Sanchez.
How true? Kasi daw, itong si Ate Vi ay absentee queen daw at disappearing queen. Sabi ni Gov. Armand, dumarating naman daw kapag Monday sa Kapitolyo ng Batangas si Governor Vi dahil lang sa flag raising ceremonies pero biglang nagdi-disappear at sa fire exit pa dumadaan. Pilloried for his role in 2006 in raising value added taxes on goods and services to 12 percent, eto naman daw si dating NEDA chief Ralph, di na raw makakaalis sa sumpa ng E-VAT na talagang nagpahirap sa mga tao. Sey pa ni Tay Armand, nakatatak na sa utak ng mga tao na kahit pa pirmahan ni Mam GMA anytime ang Expanded Senior Citizen’s Act, the damage has already been done. Ala eh dapat daw bayaran niya ang damage na ‘yun sa taumbayan. Ang concern ko, hindi kaya ito black propaganda lang? Ano sey mo Ate Vi? Open ang ating kolum for you to air your side.

GREETINGS GALORE. KAY bilis ng panahon! Aba’y next week Chinese New Year na! Chinese New Year 4708, or 2010 in the Western calendar, is the Year of the Metal Tiger. Also known as a Spring Festival, the Chinese New Year in 2010 falls on 14 February – Valentine’s Day.
Nag-predict ang ating friend na si Feng Shui Master Aldric Dalumpines (www.punsoy.com) na ang Year of the Tiger, will be a year of good fortune and vigor and will bring: A lot of romance luck – especially for those, who were born in a year, which ends with 6, for example, 1976, 1986, etc.; If someone is single and is going to celebrate 24th, 34th, 44th, 54th, 64th – any birthday, which ends with 4, the year of Tiger will bring romantic adventures. Sey rin niya na ang lucky colors for this year are white and avocado green.
Regular client ni Master Aldric kami ni Pangga Ruth Abao ng DZRH-TV at malaki ang naitulong ng kanyang advice sa amin, hendibaduday? Siyempre nag-uumapaw na ang blessings sa akin for the past years na pinapayuhan ako ni Master Aldric kaya wis ko mabuyag ang financial at spiritual blessings. Kaya go agad ako sa Baclaran to buy underwears na kulay green!
Teka muna, ang sinasabi ni Master Aldric ay halos kapareho ng sinasabi ni Joy Lim.. ay malolokey akey.
Paalala ni Master Aldric: “Remember, whatever the omens portend, for better or worse, you are the final master of your own fate. These ideas are provided for your enjoyment and amusement and are not meant to take the place of your own good sense.” Odivah? Agree or disagree? Spin a win!
Kung Hei Fat Choy!

No comments:

Post a Comment