BLIND ITEM: Sino itong isang dating sikat na bombshell ang ngayo’y wanted sa Estafa dahil sa fatung-fatong sapin-sapin salavat-salavat na utang at tatlong taon nang di nakakabayad sa condo unit na nire-rent to own nito sa Makati?! Ang dating beautiful, sexy and flawless actress ay di magkandaugaga noon sa kabi-kabilang raket including sunod-sunod na movie assignments, TV guestings, commercial endorsements at concert tours noong kasikatan niya! How true na gumon na daw sa pinagbabawal na gamot ang reyna taklesa kaya’t pati anak niyang piloto ay nag-give up na sa kanya at nag-fly away na sa abroad! Ang Malaysian-British descent na sexy star noon ay sobrang Payatolla Khomeini na now, at ngayo’y pinaghahanap siya ni Atty. Rogelio “Waray” Evasco pagkatapos magsumbong ng landlady ni bombshell dahil siya pa raw ang matapang kapag sinisingil, at may isang taon nang missing in action ang lowlah! Incidentally, si Atty. Waray ang founder ng PACYAW partylist na noon pa nagbibigay ng libreng legal consultancy and legal action sa mga mahihirap nating kababayan. Catch him on RHTV every Sunday 10-12nn, MWF 3-4pm. Ano ba usaping legal ba gow na!
DUMARAMI SILA. Yes, Venigna Vankiyod! Marami sa mga tumatakbong kandidato ngayong 2010 elections ang positibo sa HIV.. bumilang ka mula sa mga presidentiables, down to the konsehalibles, babae o lalaki man, nakakagulantang na 65% sa kanilang lahat ay HIV positive kahit hindi pa miyembro ng Bureau of Soils! Trulili, HIV as in Hair Is Vanishing, na ‘yung iba’y disimulado sa paglalagay ng wig o toupee, ‘yung iba’y medyo lumalawak ang playground ng mga kuto sa bumbunan, at ang embarrassing ay yaong mga abot hanggang puyo ang noo! Santamayangdebabazit! Meron pa namang solusyon d’yan and it’s not the end of the world! Go to JJ & J Rejuvination Center (www.justojusto.com or 09391227888) for a satisfying ‘reinvention’ of yourself! Ang cosmedic surgeon to the stars na si Dra. Jane Enriquez ang bahala sa inyo and you’ll be pleasantly surprised, promise!
LGU support. Speaking of HIV, na-excite naman ako nang dumalaw kami kay Mayor Peewee dahil dito sa kanyang Millennium Development Project para sa Pasay, at isa na rito ang information campaign against the dreaded HIV-Aids virus. I guess naging successful naman ang inyong lingkod sa anti-AIDS campaign ko noon as a councilor with the help of AIDS victim herself Sarah Jane Salazar. Successful dahil kahit tumaas ang incidence ng AIDS victims sa Pilipinas, isa lang ang taga-Pasay / nagtatrabaho sa
LP
FHM’s latest? Si Jackie Rice na nga ba ang susunod na sexiest woman? From being a tweetums wholesome actress ay nag-switch na nga ba into daring si Jackie Rice sa pagsabak niya sa bagong teleserye ng GMA 7, ang “Panday Kids”? Well, she’s got the face, she’s got the body.. why not flaunt it dibaga? Kung hindi nga siya gaanong hasa sa acting, singing, at dancing department, sa sexy-action nga puedeng masubukan ang forte ni Jackie. Just like Angel Locsin na wa sey sa acting, singing at dancing, dapat mag-concentrate na lang sa pag-display ng magandang mukha at katawan si Angel Locsin. Sana sa pagpapalit niya ng manager, Ms. Ethel Ramos will give this a thought. Di naman kasalanang mortal ang pagpapasexy.. it is where the likes of Vilma Santos, Lorna Tolentino, Jacklyn Jose and Rio Locsin were catapulted to stardom! ‘Yun o!
No comments:
Post a Comment