BLIND ITEM: Talaga namang nagkalat ngayon kung saan-saang sulok ng Philippines ang mga showbiz reporters na paistar! At kuwidaw, literally sila’y nagkakalat! Naispatan natin ang reporter na itech sa isang totyal na casino na may tatlong araw nang wis uwi-uwi at mega-camouflage na lang ng cologne ang wa shower at mashohong scent nya! Wa ka kuyafiiiii?!
Ayon sa bubuwit ni Lakay Deo Macalma at Pangga Ruth Abao (Ahaha! Sabi vah manghiram ng bubuwit?), malakas ang kita ni reporter dahil ang mga alaga niya ay kabi-kabila ang raket at fully-booked lagi sa iba’t ibang TV, commercial at movie projects. Kaya si reporter dahil sa avalanche ng cash sa kanyang bank account, galit na galit sa pera at sa casino niya naisipan idoneyt kuning kuning.
Wala namang masama sa pag-cacasino, tulad ng ibang libangan, kapag moderate ay okay lang. Pero kapag nasobrahan at araw-gabi nang ginagawa, eh bisyo na ‘yan, bad na, hendevaduday?!
MALAS talaga sa pulitika itong si Richard Gomez. Biro mo, diniskwalipika siya ng Comelec na tumakbo bilang gobernador ng Leyte . 2007 nang tumakbo siyang senador pero natalo. Nu’ng 2001 sumabak naman ang kanyang MAD partylist at nanalo sa kongreso, pero wis pinayagan si Goma na umupo bilang partylist representative. Tapos, ngayon nga’y kinuwestiyon ng isang konsehal ang kanyang paninirahan sa Ormoc, Leyte , na kinatigan naman ng Komisyon. Buti na lang si Herbert Bautista nang idismis ng Ombudsman ang graft charges na isinampa laban sa kanya tungkol sa ghost projects na umano’y abot ng P2.7-milyon.
Speaking of disqualification, isa pa rin itong si Abraham Kahlil Blanco Mitra na incumbent Palawan 2nd District Rep. at tumatakbong gobernador ng Palawan . Disqualified din sa isyung di daw siya lehitimong taga-Palawan. Pwede ba ‘yon eh congressman kaya siya ngayon. At ang kanyang dad Speaker Ramon Mitra ang nagpasa ng panukala para maging independent component city ang Puerto Princesa, ang capital ng Palawan . Makakalaban ni Baham ang car magnate na si Don Pepito Alvarez sa pagka-governor. Lumalalim tuloy ang crease sa aking noo kaiisip kung ano ang dahilan ng Comelec kung bakit dinisqualify si Baham. May kaugnayan ba ito sa pag-deklara ng Comelec na si Mark Lapid ang nanalong gobernador ng Pampanga nung 2007 elections! Ano vah dalawang buwan na lang eleksyon na naman, uupo pa ba siya n’yaaaaan?
OVERKILL na daw ang Ladlad. Share ito sa atin ni Mark Villar (president ng Villar Foundation at panganay ni Senator Manny Villar) nang makatsikahan natin siya sa isang barangay basketball league. Syempre Mark meant it on a positive note, saying na sa more than 10-million (male and female) gays and pro-gay supporters, swak na swak na raw sa Kamara ang Ladlad partylist ni Danton Remoto.
Natuwa naman si Danton sa remark na ito ni Mark. Actually, Manny Villar has been helping many projects of the Home of the Golden Gays. Marami ring members ng Silver Gays ang nagparating ng kanilang pasasalamat kay Manny V. through Mark. Isa na rito si Felix Miranda, isang singer sa mga bars sa Malate strip. May lumapit pa nga na mga parlorista at mananahi na nagsabing malaking bagay sa kanila ang commercial na Michael V on Manny V kung saan isang bading na parlorista ang ipinortray ni Bitoy. Sabi ni Junerose Abril, stylist at accessorizer ng Miss Earth pageant, it’s a good thing na hindi homophobic ang pamilya Villar, from Mark, Paolo, Camille, Congresswoman Cynthia and Senator Manny, lahat sila totoong friendly sa lahat ng uri ng tao – mahirap, mayaman, bata, matanda, bakla, tomboy, o straight. At ‘yan ang dahilan kaya’t suportado sila ng mga vading. In Cebu along with Charlotte Cinco and Joseph Nacion (Ladlad-Visayas) mga Villar-Legarda die hards sila.
Si Gay Sham Dading ng Cotabato City nga, isang ardent follower ni Cory Aquino. Pero ngayon siya’y Manny Villar supporter dahil sa pro-poor at pro-gay programs ni Manny V. Marami tayong kafatid na naghahanap ng kalinga sa namumuno sa ating bansa. Laugh all you will, Venigna Vangkiyod! Pero remember, Barack Obama became president dahil sinuportahan niya ang mga bading – there were an estimated more or less 10 million gays and pro-gays who voted for Obama. Ito rin ang dahilan kung bakit biglang nag-180ยบ turn si Bro. Eddie na anti-gay before.
Ito rin ang tsika sa atin ni Alik Gonzales of Sibugay, Zamboanga, na 100% support siya kay Loren at Manny. Di lang naman during this season naging matulungin ang mga Villar, mayroon nga silang Villar Foundation na Oh diva naman? It really pays to be sincere in what you do, at iwasang maging mapang-uri. ‘Yun na!
BACK to Comelec, hindi daw sila mag-ha-hire ng “identified” celebrity na political endorsers ngayon para sa gagawin nilang infomercial para sa automated elections. Di lahat ng gustong mag-offer ng kanilang serbisyo ay pasado sa Comelec. Pero nabanggit ang mga pangalan nina Judy Ann Santos , Iza Calzado, at ang all-girl novelty group na Sexbomb Girls na pasado bilang stars sa Comelec infomercial kung sakaling papayag ang mga ito. Sori na lang kina Kris at Puppy Willie, talbog ang byuti nila! Kuyafi lagong!
MANINIWALA ka ba na sina Melai at Jason ay may relasyon? Ay naku suhulan man ako ng milyones bilyones trilyones ‘dayyyy di ako matitinag! They are not an ‘item’. May kani-kaniyang kolokadidang kaya ang PBB lovey doveys and I’m sure as azure na they’ll go back in the arms of the ones they love once they go back to their hometownz! Korekvakwoh?!
No comments:
Post a Comment