21 July 2010

Public service...Bong at Lani swak na swak


WALA talaga tayo ma-say sa mag-asawang ito na sina Congresswoman Lani Mercado at Senador Bong Revilla, super duper hanga ako sa kanila. Bukod sa pagiging matulungin ng mga ito ay napaka-kind hearted. Hindi lamang ito napatunayan noong mawala ang hari ng pelikulang Pilipino na si FPJ. Ang mag-asawang ito ang tumutulong sa mga showbiz personalities at writers sa sinoman nangangailangan ng tulong.

Yes, Venigna Vangkiyod! Hindi nakapagtataka kung bakit mahal na mahal sila ng Sambayanang Filipino, dahil sa taglay ng kabaitan nila, lalo na si Lani, sinabi nito sa atin na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya sa lalawigan ng Bacoor, ganun din si Bong sa bansa.

Nang minsan nga tayong nag-guest sa Moms na pinaghohost nito sa QTV-11 at nabanggit ko lamang na may gaganaping party ang wrangler o mga jurangis ng Golden Gay, wala ng sali-salita at ora mismo sa araw ng party maraming pinadalang pagkain, bigas.

Kaya naman tinanghal na Darling of the Press ang mag-asawang ito. Ang hinahangaan ko pa sa mga ito, kapag nagpatawag ng presscon ay hindi naninino ng media, basta kung sino ang dumalo ay welcome na welcome, may dyaryo ka man o walang sinusulatan ang tanging nasa isip lamang nila ay ang makatulong at hindi iyong sila lamang ang makikinabang.

Gaya na lamang nitong pasasalamat na ginawa ng mag-asawa sa katatapos na halalan, Box office hits talaga at bongga pa ang kanilang host na si mader Lily.

oOo

‘Mag-asawa na lagging saklolo’

Yes, Venigna Vangkiyod, Bong at Lani pa rin tayo, dahil nakarating sa ating kaalaman na isasama raw ang kontrobersiyang si Katrina Halili sa gagawing pelikula ni Bong sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang Panday series. Ika nga eh, kung sino raw ang nangangailangan ng tulogn ay tutulungan.

Pero ayon naman sa butihing Kongresista Lani, malaki ang kanyan tiwala sa kanyang asawa na si No. 1 Senator Bong Revilla.

Balita nga raw ah, baka ma-reincarnate si Katrina sa Panday, dahil ang Lizardo na kontrabida rito na ginanapan ni Philip Salvador ay siyang gagampanan ni Katrina at gagawing siyang Lizarda.

Diyos ko Day! Kilitiin mo nga ako!

Kaya kay Bong at Lani, keep up the good work at pagpalain kayo ng Diyos!

echos lang sa wish ko lang!


SPEECHLESS ………at mga luha na lamang ang aking kasagutan sa hindi ko maipaliwanag na naramdaman, sa isang sorpresa. Hayaan nyo na muna ako mga dear readers, na magbalik-tanaw sa aking kapanahunan, hindi ko alam kung saan ako magsisimula at hindi maubos-ubos mga luha sa aking mga mata.

Una kay GOD, nagpapasalamat ako, na talaga naman nariyan siya palagi sa mga taong nangangailangan ng tulong, at isa ako sa hindi Niya pinabayaan, sa kung man karamdaman na dumapo sa inyong lingkod at halos buwan na rin ang inilagi sa pagamutan.

Nitong mga nagdaan linggo, sinorpresa ako ng GMA-7 WISH KO LANG hosted by Vicky Morales. Hindi ko maipaliwanag at hindi ako makapagsalita sa aking nakita. Way back year 1969, ng ako’y nasa showbiz industry pa na may programang “ECHOS LANG”. Diyos ko, sobrang saya ko, ng muli kong balikan ang mga alaalang iyon at personal ko pang nakadaupang-palad ang mga taong nakasama at kahati sa lahat ng bagay ng mga panahong iyon.

Walang katapusang pasasalamat ang aking ipinaaabot sa Wish Ko Lang, GMA-7, dahil sa kanila hindi ko ngayon iniisip ang aking karamdaman nang muli kong masilayan sina sa mag-asawang Congw. Lani Mercado at Sen. Bong Revilla, Dulce, Eva Eugenio, Lou Veloso, ang buong Golden of the Gays na personal akong dinalaw at nagpaabot ng kani-kanilang mga tulong, sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), sa nagpaabot ng kanilang pagbati at tulong kay German Moreno, Cristy Fermin, Ms. Katrina Halili, sa lahat lahat, patawarin ninyo ako kung hindi nabanggit ang ilan sa inyo, dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na magaganap iyon, labis-labis ang aking kasiyahan naramdaman, dahil buhay na buhay ang “Echos Lang”.

Oo, siyempre pa sa management and staff ng People’s Brigada News, kay Leo Villan, Mary at Francine at sa mga nakasama ko sa buhay politiko, maraming salamat, siyempre pa sa buo kong pamilya na silang nag-aalaga at umiintindi sa akin, sa mga mababait na doctor at nurse ng Manila Sanitarium hospital .

Sa kabuhayan ng ibinigay ng Wish Ko Lang, sa Golden Gay Foundation, napakalaking tulong iyon, maraming salamat.

Alam ko na ang nangyaring ito sa akin ay hindi pagtuldok sa akin nasimulan, kundi isang panimula, panimula na muling buhayin at ipagpapatuloy ang mga kabutihan na ating nasimulan, marunong si God at alam Niya kung hanggang saan susubukan ang Kanyang nilalang, hindi siya magbibigay ng isang pagsubok na alam Niyang hindi ko kaya.

Alam ko na gagaling ako sa aking karamdaman, dahil marami pa akong gustong tulungan, lalo na ang mga matatanda sa Golden Gay Foundation. God, alam ko na may isang Anghel kayo na ipapadala sa akin, para ako ay gabayan. MARAMING SALAMAT!!!

Miracle of Prayers....



YES! VenignaVangkiyod……sa dami ng milagrong nangyari sa buhay sa madir nyo, ito ang hanggang sa ngayon ay hindi ko makakalimutan. Una, ang Miracle of Prayer, ika nga, walang imposible sa Kanya, kumapit ka lamang. At ito nangyari sa akin ngayon, hindi ako bumitiw sa Kanya, 3:00 am everyday, lagi akong nagdadasal kay Lord na kung anuman karamdaman meron dumapo sa akin, pahilumin Niya dahil alam kong marami pa akong misyon sa mundong ibabaw na ito, marami pa tayong matutulungan.
Oo, at ito hindi Niya binigo, sa mahigit sa isang buwan kong namalagi sa pagamutan at maraming hospital na rin ang ating pinasukan dahil sa hindi malaman kung anong sakit meron ako. Hanggang ang pinakahuling hospital ay ang Manila Sanitarium (Adventist), dito na-detect ang aking sakit sa tulong Dr. Ruben T. dela Cruz, neuro-surgeon at kay Dr. Martin. Chronic Inflammatory Demyelinating Polyneuritis (CIDP), at ang aking kailangang medication ay Hyperimmunoglobulin intravenously (IV Ig) 10 vials per dday for 5 days a total of 50 vials IV Ig.
Oh, my God sa isip ko, muntik na tayong bumigay dahil hindi biro ang medikasyon sa akin sakit, saan ko kukunin ang P99,000.00 a day para lamang sa aking gamut. Hindi ako nawalan ng pag-asa dahil ko malakas ako sa Kanya at alam Niyang hindi ako nakakalimot thanks God, at kahit papaano ay tuloy-tuloy ang pagrekober ko ngayon, kung dati halos buo kong katawan ay hindi ko na maigalaw, ngayon, ang lakas-lakas ko na, naigagalaw ko na ang buo kong katawan.
PANGALAWA, SA 4-LIFE TRANSFER FACTOR, opo mga kapatid, isa rin sa MIRACLE HEALING ito sa akin, dalawang araw pa lamang akong umiinom na capsule na ito ay napakalaki ng recovery ko, lalo na ang ginagawa sa akin na THERAPY, isang napakalaking bagay, na noo’y sinasabi ng mga manggagamot na hopeless na ang sakit ko.
Noon naririnig ko na kay Cory Quirino at Manoling Morato ang Transfer Factor at ngayon ko lamang ito sinubukan at totoo nga! Hindi rin ako nagtataka kung bakit halos 90% sa mga showbiz personality ay ito rin ang ginagawang food supplement.
Halos hindi ko na ata pa, matapos-tapos itong ikuwento, pero anyway, nagpapasalamat pa rin ako kay kaibigang Lou Veloso, sa pamamagitan niya tinulungan niya ako sa Wish ko Lang! Subalit, sa kabila nito, hindi ko pa rin lubos maisip, ayaw ko man sana silang patulan, pero kailangan kong mag comment maibsan man lamang ang sama ng aking nararamdaman ko.
Pero, nagpapasalamat pa ako sa kanila, kasi bakit ganun ang tao, nasa hukay na nga is mong paa, kinaiingitan ka pa rin, tulad ko ang sakit ko daw ay ‘Echos lang!”, ito lamang ang masasabi ko sa inyo, salamat! Kahit minsan ng nanganib ang aking buhay, nariyan kayo, nasubaybayan ninyo ang serye ng aking buhay, hindi ko masisi kung bakit kayo pa ang aking mga detractors. Maraming Salamat! Para nga pala sa mga nagnanais na ako ay kontakin ito po ngayon ang aking mobile number 09398060888.
oOo
Mayor Lim, DILG, Isko, Mayor?
Tama ba ang ating narinig na ang butihing alkalde ng Manila na si Mayor Alfredo Lim ang magiging head ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ang mabait na masipag naman nitong si Vice Mayor Isko Moreno, ang uupo sa kanyang puwesto?

Hindi magkakamali si P.Noy sa pagpili kay Mayor Lim at masuwerte rin ang mga Manileño kay Isko kung ito man ang kanilang magiging ama ng lungsod.



jj, suko na sa mga pasaway na bayot!

YES, VENIGNA BANG KIYOD! Kung suko na sina Kris Aquino at James Yap, parang susuko na rin si JJ, hindi sa kung anong hirap ng aking karamdaman sa ngayon at hirap ng kalagayan sa lahat, kundi parang susuko na rin ako rito sa mga baklang gurangis sa Home for the Golden Gays, sobrang mga pasaway, ay ewan ko ba, hindi ata ako mamamatay sa sakit ko kundi dito sa mga baklang ito.
UTANG NGA BUOT! Mga bakla, tumino naman kayo, sa tatlong buwan kong nakatira na sa hospital magmula sa Ospital ng Maynila hanggang Sanitarium, parang nawawala na kayong lahat sa sarili, ay ewan! Parang pati na rin ako sa inyo ay mahawa na rin at mawawala sa sarili. Tulungan nyo naman ang sarili ninyo kahit wala ako sa tahanan natin.
Hindi ko na talaga maintindihan ang mga gurangis na mga baklang ito mga nawawala na sa sarili, siguro dahil na rin sa nalipasan ng gutom, walang pera dahil naubos sa kanilang mga lalaki, wala na mga pasaway na mga bayot, siguro pag nakalabas ako rito sa ospital, kelangan ko sigurong humingi ng tulong para makapagtayo ng Mental for the Golden Gays, kasi nga naman talagang tumatanda ng paurong ang mga baklang ito.
Mga pasaway…..hay naku, simula ng mawala ako pati ang mother ko, unti-unti na rin nalalagas ang buhok dahil sa mga pasaway na mga bayot na ito. Kaya sa Mommy ko, Mommy, mahabang pasensiya na lamang po, hindi naman natin puwedeng itaboy ang mga ‘bayot’ na yan, dahil talagang iyan na ang kanilang tahanan.
Anyway, bago pa tuluyan masira ang buhay ni JJ sa mga pasaway na BAYOT, Diyos ko naman yung gamot ko na GAMMAGARD ko na not available kailangan ko 5 vials, 2.25 lang daw ang available pero till now nega pa rin, kahit bayad na yun.
Sabi nga ni Cindy ng PCSO, baka lamang daw meron communication gap dahil sa bagong administrasyon, bakit naman ganun, sana naman dumating na ang gamot ko, dahil kung hindi pa raw ako makakainom ng gamot ko sabi ni Dr. Martin, baka maputulan na ako ng paa. My God, wag naman po.
Pero, nagpapasalamat pa rin ako unang-una kay God, dahil ang mg prayers ko ay sinasagot Niya, kahit hindi pa ako nakakainom ng gamot ko nagtataka si Dr. Martin sa malaking pagbabago ng aking katawan, kung dating hindi ako nakakilos pati mga paa ko, naigagalaw ko na.
Sa Therapy ko salamat at siyempre pa sa 4 LIFE TRANSFER FACTOR AT RIO VIDA, napakalaki ng recovery ko simula nung tini-take ko ito almost 3 weeks pa lang, naigagalaw ko na ang aking mga paa, kung dati sinusubuan ako, ngayon nagagawa ko ng kumain mag-isa.
Magkaganun pa man, hindi pa rin ako susuko sa buhay, magpapatuloy pa rin ako, dahil alam ni God na marami pa akong misyon gagampanan, tulad na lamang way back 1989 noong naoperahan ako sa colon cancer, halos may palugit na talaga ang aking buhay, pero dahil sa miracle ako’y nakaligtas. Kaya alam ko na ang sakit na ito ay malalagpasan ko rin at is na naman itong pagsubok, kasi alam ni God, na marami pa tayong matutulungan, mga bata na mapag-aral. Noong nakaligtas ako sa colon cancer, noong na-operahan ako, naging Konsehal ako ng Pasay at duon tayo maraming natulungan.
Para naman kay P-Noy, hindi ako naniniwala na matatapos ang kahirapan, hay naku, malamang hindi pa man matapos ang kahirapan e baka sumuko na rin itong si P.Noy, e, palagi nga itong late. Saka isa pa, hindi magwawakas ang kahirapan, hanggang maraming Pilipinong, nagkakasakit, maraming anak ang bawat isang pamilya na pakalat-kalat sa kalsada, at korapsiyon.

19 April 2010

Maisalba kaya ni Sarah si Loren?

Edna Calixto, sana matuto sa bonggang PR ni Trixia del Rosario

ANO itong balita na balak daw magrebelde ni Sarah Geronimo dahil sa paghihigpit ng kanyang mga magulang in relation to her lovelife?!

Tahasan daw ipinagbawal ng mga magulang ni Sarah na makipag-MU si Rayver Cruz at trulili, Venigna Vangkiyod na dinuro-duro ng tatay ng Pop Princess si Papa Rayver para pagbawalan ito na kausapin si Sarah at huwag na huwag itong ligawan!

Jaws ko pong itik na naging pato! Ano’ng gagawin nila kay Sarah? Gagamusin na lang ba ang byuti nito? Four jaws four son two, hindi na po tinedyer si Sarah para paghigpitan ng ganyan! And methinks Sarah has been a good girl at walang bahid ng kalandian kaya we’re sure hindi naman magbubuyangyang ng kanyang keps ang dalaga. Love helps para magkaroon ng inspirasyon at kulay ang kanyang pagkanta, divanini?!

***

BY THE WAY, maisalba kaya ni Sarah G. si Loren who seem to have been sinking sa surveys? Di siya makahabol kay Mar sa kabila ng suportang ibinibigay ni Sen. Manny Villar, at ang magagandang adverts. Sabi ni Alik Gonzales ng Zamboanga City, hindi naman daw siya naniniwala sa mga survey survey na ‘yan kasi di naman daw thorough ang sakop ng pinagsu-survey-han at kakaunti lang na tao.

Sey ni Alik, ang buong Muslim community sa Zamboanga ay solid kay Sen. LOREN LEGARDA dahil marami na itong tulong na naipararating sa Mindanao. Katunayan, aniya, adopted daughter ng mga Muslim si Sen. Loren. Anyway, Sarah G. is one of the country’s bankable endorsers kaya there’s no question. Check!

***

UTANG buot, someone tell Claudine Barretto na mag-reduce naman. Napanood namin ang 2nd episode ng “Claudine” at napakaganda ng storyline at craftmanship, syempre pa directed by our very good friend Direk Joel Lamangan.

And we heard over the grapevine na naungusan ng Claudine ang long time running drama anthology ng ABS-CBN na Maalaala Mo Kaya last Saturday. We are bound to believe naman this high rating of Claudine dahil napanood namin mismo at ang galing galing ng buong cast, from Claudine Barretto, Wendell Ramos and TJ Trinidad! Napaka-bold ng story and knowing Direk Joel, di palalamang sa ibang direktor kaya napakaganda ng kinalabasan ng nasabing episode.
The only blunder was Claudine’s obesity. Sure, she still has the face that can launch a thousand ships, but the ships seem to have grown into her body. Sa trulili lang, anoh, ang shoba-shoba kaya niya at naumay ako! Please lang, magtrim down ka Clau, kasi nakaka-distract. Ano sey mo Greta?

***

TRULILI again and again, nagulat ang mga kolokadidang ko na sina Claire at Tsong Edz nang ma-witness nila itong paglipat ng ‘bakod’ ng mga barangay officials sa Pasay City. Maraming kinabahan na maka-Peewee at maka-Tita Connie Dy dahil sa suportang ipinakita sa magkapatid na lider ng Team Calixto na sina Tony at Emi.

Nanghinayang tuloy kami dahil hindi ako nakarating sa imbitasyon sa atin ni pretty Trixia del Rosario na sa true to life lang, ay napaka-bongga ng PR nito. Kaya hindi na kami nagtataka kung dagsain man ito lalo na ng mga barangay liders dahil si Madam Trixia del Rosario ay bukod sa beautiful face and body ay napakahitik sa ideya at punumpuno ng talino! Bonggang bongga pa talaga ang PR niya, bibong bibo, wis plastik, isang bagay na nais naming matutunan ni Madam Edna Calixto, ang maybahay ni Vice Mayor Tony, dahil ano’ng malay natin, baka buksan ng langit at ang susunod na mayor natin ay si Tony, meaning magiging First Lady si Madam Edna who needs to put off her shyness.

Kudos sa extra PR ni Trixia, who knows, dahil dito’y maging mayor nga si Tony! Ano sey mo, Venigna Vangkiyod? Pakibaba na nga ang kilay ko!

Pero wait, sey naman ni Manang Zeny di daw patitinag sina Mayor Peewee at Greg Alcera sa pag-ober da bakod na ito ng mga barangay liders! Matibay na daw ang pundasyon ng dalawa kaya di sila nagpapaapekto sa ganitong strategy. Yun na!

***

HOW true na super lakas ng dating ni Coco Martin sa ABS-CBN top honchos? Biro mo naman, umaga - tanghali - gabi - kahit hatinggabi, lunes hanggang biyernes, mapapanood mo si Coco. Natutuwa naman kami na ang dating “masahista” ay bumobongga ang karir!
May nagdududa tuloy kay Coco na may kolokadidang daw na bading ito kaya left and right ang kanyang offer. But we don’t think so, wala naman kaming “naaamoy”! Naaamoy daw oh! We believe this is NOT TRUE. Itong si Coco ay malalim ang akting at totoong talentado.
To date, Coco Martin has done 15 movies since starting out in showbiz some time in 2001; he was still using his real name, Rodel Nacianceno, then. Out of these 15 films, 13 are independent productions, hence his being tagged as the prince of the Pinoy indie films.

His foray into the digital film genre was in the movie “Masahista” where he was re-christened as Coco Martin. “Masahista” was a movie of firsts for Coco – this was where he got his first starring role, this was his first movie which competed in an international film festival and this was the first movie where he won an acting award for (Best Actor, Young Critics Circle of the Philippines). The success of “Masahista” guaranteed his place in Philippine showbiz. He first appeared in GMA7’s “Daisy Siete: Isla Chikita” before moving to ABS-CBN.

Ngayon he’s shooting “Sa Iyo Lamang”, a movie with Lorna T., and being paired with Bea Alonzo, a star-studded movie directed by Laurice Guillen.

Our little boy of Pampanga is fast becoming the hottest male star dahil naniniwala kami na magaling talaga sa kanyang craft.

At tiyak kami na hindi matatabunan ang akting ni Coco! Sey mo John Lloyd? Di kaya malaking threat sa career mo ang isang Coco Martin?
Magkano? Hahahaha!

Tanggapin kaya ni Noynoy ang hamon ni Manny V?

Dennis at Jennylyn, naispatang HHWW sa HK

HINAMON ni Nacionalista Party (NP) Presidential bet Sen. Manny Villar ang kanyang mahigpit na katunggali sa pagkapangulo na si Sen. Benigno “Noynoy” Aquino ng Liberal Party, para sumailalim sa isang psychiatric test at iba pang medikal na eksaminasyon para patunayan na wala silang sayad at maaaring umupo bilang Punong Ehekutibo ng bansa.

Tanggapin kaya ni Sen. Noynoy ang hamon?

Para sa amin, hindi sapat na ang sasagot sa isyung ito ay mga abogado o ibang tao mula sa kampo ni Sen. Noynoy. Hindi nila tularan si Sen. Manny na siya mismo ang sumasagot sa mga akusasyon o hamon na ibinabato sa kanya. Wala bang sariling “bait” si Sen. Noynoy at hindi niya kayang sumagot? Bakit kailangan ibang tao pa ang sumasagot?

Ang pagsasailalim ni Sen. Noynoy sa isang “comprehensive physical and mental examination” na sinasabing peke raw sabi ng Ateneo de Manila Psychology Department at ni Fr. Tito Caluag, S.J., ay kailangan pang abogado ang magbigay ng pahayag patungkol dito? Nagtatanong lang po!

***

NAKAAASIWA ang pagwo-walkout ni Gretchen Barreto sa sarili niyang presscon. Marami tuloy ang nagsasabing gimik lang daw ang ginawang pag-iyak ni Greta habang iniinterbyu siya ng media sa Libis kamakailan, para sa promo ng ini-endorso niyang sabong pampaputi. Wala naman daw dahilan para mag-walk out ito, tulad nga ng kanyang ginawa na labis na ikinaloka ng marami nating kaibigan sa media.

Sey pa ni Venigna Vangkiyod, nangongopya lang ng istilo si Greta para mapag-usapan. Anovahnini?! Mukhang gusto lang daw niyang magkaroon ng trono! At ano namang trono ini? Walk out Queen daw? Ay sori, hindi siya ang only, hindi siya ang una, at hindi siya ang original.

Hay naku Greta, mag-isip isip ka naman ng panibagong gimik. Or else, you’re just a copycat ng mga naunang walk out queen.

Hendevaduday?!

***

NAGALIT daw si Governor Vilma Santos sa nagpapakalat ng maling balita tungkol sa kanyang panunungkulan bilang punong ehekutibo ng Batangas. Lalo na nang mapansin niya na ilang Lunes na tuwing flag raising ceremony ay kakaunti ang government employees na umaattend ng nasabing weekly event sa Kapitolyo.

Nagsimula nang magkampanya si Batangas Governor Vilma Santos for reelection noong Biyernes, March 26, sa municipality ng Sto. Tomas. Ang araw na 'yon ang opisyal na simula ng 45-day campaign period para sa local officials. Kasama ni Governor Vi sa pag-iikot ang asawa niyang si Ralph Recto na tumatakbo for senator at si Vice Governor Mark Leviste.

Marami ang nagulat nang simulan ni Governor Vi ang kanyang kampanya sa Sto. Tomas municipality, kung saan kasalukuyang mayor si Edna Sanchez, ang asawa ni Armand Sanchez. Si Armand ay karibal ni Vilma sa posisyon na gobernador ng Batangas.

Bagamat balwarte ito ng mga Sanchez, mainit na tinanggap ng mga taga-Sto. Tomas si Governor Vi. Pinuntahan din ng mag-asawa ang Tanauan City nang gabing iyon. Dapat sana ay kasama si Ralph sa kampanya ng Liberal Party sa Metro Manila ngunit mas pinili niyang sumama sa kampanya ng kanyang asawa. Binigyang importansiya ni Ralph ang makapag-kampanya sa mga kapwa-Batangueño imbes na sumama sa national campaign ng Liberal Party na pinamumunuan ni Noynoy Aquino at Mar Roxas.

***

HOLDING HANDS WHILE WALKING daw sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa Hong Kong nu’ng Semana Santa, bagay na di itinanggi ng binata nang humarap siya sa madla sa pamamagitan ng Chika Minute segment ng GMA-7 News program na 24 Oras. Pero hindi naman nilinaw ng dalawang bida ng Gumapang Ka Sa Lusak kung sila na ngang dalawa. Ang malinaw lamang ay nag-e-enjoy silang dalawa sa company ng isa’t isa.

***

MAY karapatan ang dethroned Bb. Pilipinas-Universe 2010 na si Venus Raj na i-reclaim ang kanyang throne dahil nakikita naman namin na maganda, magaling at mahusay sumagot ang dalaga. Malaki ang pag-asa niyang maibalik ang binawing korona dahil maliit lang na bagay ang problema nito sa birth certificate. Ano nga ba’t sinabi ng Bb. Pilipinas Charities Inc. na kung makakakuha ng passport ang dalaga ay ibabalik nila ang kanyang titulo at siyang ilalaban sa Miss Universe 2010 pageant.

Sabagay, kung di man maibalik ang korona sa kanya, marami nang producers ang gustong kumuha ng kanyang services, kabilang na rin ang film, commercial at TV projects.

The continuing drama of Venus’ dethronement and possible vindication, is truly unprecedented in the history of beauty contests all over the world. The intensity of verbiage that detonated in internet blog sites, the might of texting fury that blazed and whizzed the entire breadth of the archipelago, the vigor of signa...ture campaigns that sprouted in provincial malls, are testimonies to the capacity of Filipinos to wage a righteous indignation to any form of injustice against truth, and now—against beauty!

***

HINDI matanggihan ni Direk Joyce Bernal ang bagong game show ng GMA-7, ang Wachamakulit, na mapapanood na sa April 16.

Panibagong pagsasama nila ito ni Eugene Domingo na siyang host.

First time raw niyang magdirek ng isang kiddie show kaya, “pinawisan ang kili-kili ko! Mahirap!...” sey ni Direk Joyce. Kuyafi lagong!

05 April 2010

Ricky Martin, lumadlad na.. kailan naman daw kaya si Papa P?

"At naganap na!"

INAMIN na sa wakas ng Latin hunk at former Menudo singer na si Ricky Martin na siya’y isang “fortunate homosexual”.

Kaya nang magkausap kami ni Professor Danton Remoto, nagtitili ng walang sound ang vaklesh.

“Parang nagbabadya ang tagumpay ng Ladlad sa sunod-sunod na paglaladlad ng mga Hollywood stars tulad nina Anna Paquin, Meredith Baxter, Sean Hayes at Ricky Martin nitong nakalipas na anim na buwan. Ricky Martin comes out of the closet and media runs to my house asking for sound-bites. O ayan, those from the losing party list groups who accuse me of ‘controversially courting the media’, take note. They come to me, in my tiny house full of books, so I have to harum-scarum clean the flat in ten minutes! Inggit lang kayo, wala kayong media exposure,” mahabang litanya sa inyong lingkod ni Danton, ang first nominee ng Ladlad Partylist #89.

After years of scrutiny about his sexuality, sinabi ni Ricky na ito ang kailangan niya.
“Especially now that I am the father of two beautiful boys that are so full of light and who with their outlook teach me new things every day,” sey ni Ricky sa kanyang website na ang tinutukoy ay ang kanyang 2-year-old na kambal sa isang babaeng di niya tinonteng.

Yes, Venigna Vangkiyod, surrogate mother lang at spermatic byuti lang ni Ricky ang nakarating sa matris ng gurlash!

“These years in silence and reflection made me stronger and reminded me that acceptance has to come from within and that this kind of truth gives me the power to conquer emotions I didn’t even know existed.”

Ricky’s declaration spread like wildfire sa local tinseltown. And to this, marami ang curious... susunod na raw kaya si Papa P?

Teka muna, sino ba’ng Papa P ang tinutukoy nila? Si Piolo Pascual ba?

So unkind naman ninyo... hindi totoo ‘yan! May kumalat man na man-to-man sex video noon na ang isang lalaki ay kahawig niya, wis ninyo napatunayan na ‘closet queen’ si Piolo! Kuwidaw kayo dahil mayroon siyang heterosexual relationship kaya umusbong si Iñigo — di tulad ni Ricky na artificial insemination ang ginamit kaya nabuo ang kanyang twin sons. Mabarkada lang si Piolo at malapit sa mga male showbiz friends niya kaya hanggang duda lang kayo! Kuyafi lagong!

Speaking of Piolo Pascual, in the making na ang TV project niya with the two child sensations na si Zaijan “Santino” Jaranilla at Xyriel Anne “Agua Bendita” Manabay, syempre pa sa ABS-CBN. Hindi pa nila na-fa-finalize ang title ng nasabing teleserye but they are promising na napakaganda ng concept... well, if it’s from ABS-CBN, I’m sure wagi ini! Abangan!

***

BONGGANG-BONGGA sa takilya ang opening ng “Babe I Love You” at masasabing pumatok talaga ang recycled nipplegate gimik ng dalawang bida sa March 25 episode ng ASAP XV.

Trulili, recycled na ang gimik na ganito dahil nagawa na ito ng sultry singer na si Didith Reyes nu’ng mga panahon na kasalanang mortal pa ang rumampa sa kalye ng naka-sleeveless. “Aksidenteng” binandera ni Didith ang kanyang boobs habang kumakanta ng “Araw-Araw, Gabi-Gabi” sa Famas Night and after that incident naging sunod-sunod ang hit singles ni Didith Reyes.

But then again, bakit naman daw pag-iinteresan ang boobs ni Anne Curtis eh para naman itong hilaw na kutsinta?! Ahahaha! Wis ka-arrive arrive sa true to life lang!

Sey ng mga nasa Boracay, dapat bago siya gumimik e nagpa-enhance muna siya sa internationally acclaimed gerontologist at cosmetic surgeon na si Dra. Jane P. Enriquez (tel. no. (63) (2) 400-5539 or email goldenjjj888@yahoo.com) para pagnasaan siya ng mga umbaw! Hendevadudayyyyy?!

***

KINONTAK tayo over Facebook ng ating friend na si Rodolfo O. Jackson, o mas kilala bilang si Mother Jackson. Hindi pa uso ang mga standup comedian, di pa nagsulputan ang mga gay bars, at wala pang Fanny Serrano, ay may Karachi Club na sa Ermita, Manila na namamayagpag noong dekada 60s na talagang dinadayo at pinagkakaguluhan ng mga parukyano, mapa-Pinoy o foreigner man.

At ito’y walang iba kundi si Mother Jackson, ang reyna ng Ermita na ngayo’y naka-base na sa US since 1972 after Martial Law was declared.

More on Mother Jackson ang ibubulgar ko next issue... Abangan!

***

TUWANG-TUWA kami kay Francine Prieto dahil never na-dampen ang kanyang spirits kahit na malaking dagok ang dumating sa kanyang buhay sa pagyao ng kanyang minamahal na ina na si Mommy Amelia Falcon. Go pa rin at doble kayod si Francine.

Regular natin siyang naririnig sa DZMM every early morning over the radio program “Ka-Deyt” with Bobby Yan. Siya ang pumalit kay Amy Perez na lumipat naman sa Kapatid Network TV - 5.

Korek ang attitude ni Francine na life has to go on at di dapat magmukmok.

Wala namang kuwestiyon ang pagmamahal ni Francine sa ina dahil mula pa lamang bata, bilang panganay, Francine has always been supportive of her mother, and vice versa. Hanggang ma-diaognose nga na mayroon itong ovarian cancer, hindi pinabayaan ni Francine si Mommy Amy.

Mahal na mahal niya ito at ginawa niya lahat ng kanyang magagaaw para magamot at matustusan ang medication ng mom niya.

‘Wag kang tumawad, Venigna Vangkiyod, very much loved ni Francine ang ina kung kaya’t hanggang sa huling sandali ay gusto ni Francine na forever beautiful si Mommy Amy!
Kahit sa loob ng kabaong ay ever pre-sent ang pagi-ging vanidosa nito at pati false eyelashes ay hindi inalis ni Francine sa ina.

O, ano, for Ripley’s Believe it or Not ang byuti ni Mommy Amelia Falcon!

Oh, lavan kah?!

God bless your soul Mommy Amy!

02 April 2010

Shaina bubuntisin ni Lloydie?!

Anne at Sam, nauubusan ng gimik!


MALAKAS ang bulung-bulungan na sa mga susunod na araw ay jontis na ang younger sister ni Vina Morales na si Shaina Magdayao.

Hindi pa man, magmula nang “ma-snatch” ni Shaina sa mga kamay ni Ruffa Gutierrez si John Lloyd Cruz, ay talagang kung saan saan nakikita ang dalawa na parang young honeymooners.

Panay ang good time. Dito nga, pagkagaling pa lang nila sa Bangkok.. take note, walang chaperone, ha.. ay namataan na sina Lloydie at Shaina sa Boracay. Ang aga nila doon ha, Thursday pa lang naroon na ang dalawa (na silang dalawa lang) samantalang Sunday pa ang live telecast ng ASAP XV.

Sabi ng ating mga kolokadidang doon, sweet na sweet daw ang dalawa at talagang wala na silang tinatago unlike sa pagkaka-link ni Lloydie kay Ruffing na maraming denials. Para tuloy gusto na naming maniwala kay Prof. Roger Ruiz, isang psychic na nagforetell na sa 2011 magpapa-”putok” ng isang bata si Lloydie at Shaina. Bongga!

Sabagay, mas mabuti na habang maaga magkaroon ng mga supling ang dalawa kung talagang nagmamahalan sila at baka matulad kay Ogie Diaz at Regine Velasquez na kailangan pang magsasayaw sa imahe ni San Pascual Baylon, ang patron ng fertility sa Obando, Bulacan!

***

Speaking of Regine, marami ang naaaliw sa Diva ni Regine Velasquez. Bongga nga ang first-ever kantaserye sa TV, at hindi na kataka-taka na makakuha ito ng 30.2% last Tuesday, at patuloy pa raw na tumataas.

Hanggang ngayon nga ay mabisang formula pa rin ang tungkol sa isang pangit pero talented na si Sampaguita na ginagampanan ni Regine.

Pero, what makes Diva more endearing to the viewers are the songs performed in the show that are truly close to the hearts of Filipinos. Pinoys love to sing at sa pamamagitan ng kanta ay nai-express ng mga Pinoy ang kanilang nararamdaman. Eh, panay kanta pa ng Asia’s songbird ang ginagamit sa Diva, kaya lalong nag-i-enjoy ang mga manonood.

Isang bagay na inaabangan din sa Diva ay ang pagsulpot ng mga music icons at showbiz celebrities kahit cameo role lang. Last week, napansin sina Moymoy Palaboy at mukhang magbabalik din si Ogie Alcasid.

At siyempre pa, importante rin na may magagandang aral na nakukuha ang mga viewers sa Diva, bukod sa mga nakaka-in love na kantahan nito at sa mga nakakatawang eksena.
Isa nga sa mga values na ipinapakita sa Diva ay `yung huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo. At siyempre, nakapaloob din sa Diva ang mga aral na dapat ay mahalin mo ang kapwa mo, maniwala sa sarili mo, suportahan mo ang kabutihan at talento ng mga tao sa paligid mo. Hendevanini?!

***

NAGULAT kami sa three-termer na Manila councilor na si Cita Astals na dinala sa programa ni Vicky Morales sa GMA7 na “Wish Ko Lang” at nag-wish na magpapa-rehab yata siya. Marami na kasing hallucinations si Cita na naging dahilan ng pagiging paranoid niya. Kesyo maraming nagmamanman daw sa kanya, merong papatay daw sa kanya, merong gustong umakyat sa kanyang bahay, merong nagtatapping sa kanyang kuryente, kung anu-ano pa at anything na para bang nasisiraan na ng bait. Sabi ng isang psychology expert, itong mga hallucinations na ito ay bunga ng too much na pag-te-take ng sleeping pills — wag naman sanang masamain, ano — pati ng drugs tulad ng mga downers at uppers.

Sana naman bumalik na sa dati si Cita dahil barkada ko ito nu’ng sa golden days pa namin sa Philipine Councilors League. Magaling pa naman itong mambabatas at siyempre de kalibreng character actress din si Cita Astals. Siguro kailangan lang ng gabay at tulong nga.
We congratulate Vicky Morales at ang Wish Ko Lang kung matutulungan nga nila itong si Cita Astals sa kanyang dilemma. ‘Yun na!

***

MALAPIT nang ipalabas ang “Babe I Love You” ng Star Cinema at Viva Films na unang pelikulang magkasama nina Anne Curtis at Sam Milby pagkatapos ng kanilang TV project na “Dyosa” at “Maging Sino Ka Man.” Pero wala nang maisip na gimik ang dalawa dahil paso na ang away-bati isyu sa dalawa. Malamig pa sa vangkay ang kanilang pagtitinginan but not onscreen dahil marami ang nagsasabi na bongga daw talaga ang bago nilang movie.

Sabagay, itong si Anne ay free soul, kung kani-kanino nali-link yan. Samantalang si Sam ay di malaman kung madre ito o ano dahil ma-link man sa gurlash, very short lived naman! “Vahkit?!” tanong ni Venigna Vangkiyod. Pero sa kabila nito, we are anticipating the showing of the movie. Sige na nga!

***

TINANGGAL na sa gag show na Bubble Gang si Francine Prieto. Kasi ayon sa chism, siya daw ay absent-minded sa pagtatrabaho. Ang sexy actress na talagang pinagkakitaan noon ng Seiko Films at desirable pa rin ang ganda hanggang ngayon, ay nag-react at sinabing hindi totoo ang mga chism na ito dahil very dedicated ito sa kanyang trabaho.

Ano kaya kung totoo ang sinasabi na mayroong isang mataas na executive na di lang magetsing ang matamis na “oo” ni Francine at hindi ma-TONTENG ang dating sexy actress, kaya sinibak siya sa longest-running and top rating gag show na Bubble Gang? Nagtatanong lang!

16 March 2010

Pacman itatapat kay Tetay

Katrina Halili, tuloy ang laban!

YES, Venigna Vangkiyod, win or lose, tiniyak ng mga Villars na si international boxing icon Manny Pacquiao ang itatapat kay Kris Aquino sa patalbugan ng kasamang celebrities na mag-iikot sa bansa! (Hahaha.... wala nang kokontra dahil ipinaglihi kami kay Madam Auring, ang manjojolang di jojoo)!
Popularitywise, di naman dehado si Pacman kay Tetay. At credibilitywise, mas credible naman ang Pound for Pound King kaysa sa Queen of Controversies. Di nga ba’t siya ang pinapasaringan ni Dick Gordon, “hindi ako magpapa-endorse kung kani-kanino diyan na may STD!” dahil knowing naman ng sambayanang Pilipinas kung anu-anong kontrobersya ang kinalugmukan ng dating presidential daughter.
Teka, kasalanan ba ito ni Kris? Kapalaran lang niya ang pagiging taklesa at patutsadera, hindivanini? Kayo ang humatol.
***
Balik kay Manny Pacquiao, super credible talaga ito Manny para ihanay kina Dolphy, Nora Aunor at Sarah Geronimo kaya mabibigat ang pambato ng mga Villar. Sey nga ni Congresswoman Cynthia, “O, laban ka?” By the way, talking of Cynthia V, buong tapang nitong pinagtanggol ang kanyang jowa. Sey nito, bakit daw sabi ng majaderang si Jamboy, Manny V. is buying his way to win, eh di naman daw ganu’n kadali kumita ng pera. But who is Jamboy to talk? Tsika ng mga Bisaya, “Utang buot, ilabay way bili!” At sey ni Mark, panganay ni Manny V. at president ng Villar Foundation, mas gugustuhin na lang nilang itulong sa mga batang lansangan at mga nangangailangan kung may bilyones nga silang itatapon. Sa poverty alleviation na lang vagah. Sey mo, Kap. Gil Galvez?!
***
At long last, nakabuo na rin sina Juday at Ryan! As of this writing, two months and 11 days na sa sinapupunan ang sanggol ng Agoncillo couple. Para kina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, hindi mahalaga ang gender basta magka-baby sila and they’re very excited! Nainggit tuloy ang kolokadidang naming si Allan K at nagtitili sa Eat Bulaga last Friday, “Buti pa siya, nabuntis!” Uy, Allan K, wait ka lang, malay mo magka-ectopic pregnancy ka rin! Hahaha!
Teka, less than a year ago, may tsika na di na daw magkakababy si Ryan dahil pinagpasa-pasahan na daw ng mga WAKWAK at UNGO sa Parian, Cebu. Paniniwala kasi ng mga Bisaya, kapag naging biktima ng “aswang” e “lumalabnaw” na ang spermatic beauty! Juice ko, ‘day! Basta kami, we wish Judy Ann and Ryan well for this newest blessing in their married life! Wa ka kuyafiiiii?!
***
Natuwa naman kami nang iparating sa amin na suportado ni Eddie Villanueva ang Pacyaw Partylist. Tsika sa amin ng founder nito na si Atty. Rogelio “Waray” Evasco, naniniwala si JIL president Eddie V. sa kanilang pro-poor advocacies, especially sa land for the landless na isinusulong nila. E totoo naman dahil kahit kami bilib kay Atty. Waray at sa mga nominees ng Pacyaw Partylist na sina Janet Lazatin, Rey Pineda, at Alik Gonzales. Hindi basta-basta ang Pacyaw Partylist dahil mayroon itong apat na weekly TV programs. Wala nang dadaig pa sa sipag ng grupong Pacyaw Partylist dahil talagang rumarampa sila noon pa man sa lahat ng sulok ng Pilipinas at marami nang natutulungan sa free legal assistance nila. Tuwing Sunday 9:00 ng umaga nasa RHTV ng Manila Broadcasting Company si Atty. Waray at dinudumog ng mga taong may legal consultations na talaga namang natutulungan nila. We wish you good luck!
***
Tuloy daw ang laban para kay Katrina Halili. Bagama’t namumuro na ang kampo ni Hayden Kho sa pagpapatutsada kay Kat putting her in a bad light, itutuloy ni Kat ang kasong libelo sa mother ni Hayden. Wala na itong urungan kahit ano’ng mangyari, para mabigyan ng katarungan ang kahihiyang ibinabato sa kanya ng kampo ni Hayden, lalo na ang sinasabi ng mom nito na si Kat ang nagturo kay Hayden na magtake ng drugs. Shocking naman, unthinkable na si Kat pa ang magtuturo sa isang licensed doctor na uminom ng droga? Sey nga ni Venigna Vangkiyod, walang kawawaan ang mga dinadakdak ng lawyer ni Hayden na mukhang mulmol! Hahahaha! Mulmol daw o! Oist in fernez, masarap ang inihaw na mulmol! Hahahaha!
***
Text quotes to share: "The perfect Philippine president must have: Villar’s money, Aquino’s heart, Teodoro’s brain, Estrada’s appeal, Villanueva’s spirituality, Nicanor Perlas’ activism, Jamby’s testosterone, and Gordon’s… dick?" Ano raw? Agree or disagree? Hehehe..
***
REMEMBER WHEN? Backstage at circa 60s top-rating showbiz oriented TV show “Etchos Lang!” with hosts Dr. Rey dela Cruz, Rita Gomez and JJ.

JJ Rewind: Dr. Rey dela Cruz was the only actor to win Best Actor and Best Actress awards. I vividly recall sa birthday ni flamboyant character actress Lilian Laing of Sampaguita Pictures, naganap ang eskandalo of the century. Nag-jelling ang aking friend na si Dr. Rey dela Cruz sa kolokadidang niyang si Zandro Zamora (of the movie Avenida Boy screenplay by yours truly) dahil maraming umaaligid na bebot at beneboys. Zandro was the Piolo Pascual during those days, boy-next-door at amoy-JJ, kaya everyone wants to be close to Zandro. Dito najampal-jampal ni Zandro hanggang mapaluhod si Doc Rey.
Yes, siya rin ang controversial na Dr. Rey dela Cruz na pinukpok ng mikropono ni Divina Valencia sa Eye to Eye with Inday Badiday nang mapikon si Divina sa tanong ni Doc Rey na isa sa panelists.
Well, I’m not saying this to degrade our good friend Dr. Rey dela Cruz. Napag-usapan lang dahil lapitin siya ng disgrasya. Just like that fatal day in Quiapo, when he was the barangay chairman then, hinoldap ang department store na katabi ng kanyang optical shop. Palibhasa’y kapitan del barrio, aawat sana si Doc Rey sa nagaganap na holdapan pero sa lakas ng boses niya, nataranta ang holdaper, nakalabit ang gatilyo na aksidenteng tumama sa kanya ang bala. Dead on the spot si Dr. Rey dela Cruz.

09 March 2010

Guy uuwi para ikampanya si Villar

Greta, kamukha na ni Madam Auring!

NALOKAYDA naman ako sa tsika ni Venigna Vangkiyod na ang byuti ni Gretchen Barretto ay inilevel kay Madam Auring. Chapter na chapter na daw ang byuti ng hubby ni Tonyboy Cojuangco at mukhang naka-permanent mudpack ang fez value niya. Naku, ha?! Na-curious tuloy ako, dahil last Sunday habang nagtitimbang ng mga dolyares ako’y napatutok sa tsismisan sa DZRH – TV. Very vivid pa ang komento na kung kelan pa nagpa-makeover daw si Greta ay saka nalusaw ang mala-Diyosa nitong kagandahan. Wait lang, ihihilera si Gretchen Barretto kay Madam Auring (description: 200 million years old, clairvoyant, the Gisele Caroline Bündchen of necrophiliacs)! Teka muna, pwede siguro kung zinombify si Greta at ibinuro ng isang century. Hahaha! I’m sure tuwang-tuwa si Madam Auring sa latest celebrity comparison sa kanya! Winner! Paging Madam Auring magparamdam ka naman!

Pero wait, bago magpapiyesta ng bonggang bongga si Madam Auring, I beg to disagree. Di kaya pakulo lang ini ng mga detractors ni Greta? Mamatay kayo sa inggit! Hahaha! I saw Greta sa presscon ng bago niyang teleserye and I must say na super ganda pa rin ni Greta. Sa kontrobersyal na paglabas niya sa premiere night ng “Miss You Like Crazy” ay mali lang ang muk-ap niya kaya nagmukhang ‘overdone’ si Greta. I believe Greta is still one of the most beautiful faces ever existed on Earth. Kahit ano pang sabihin, Greta is Greta. Wa ka kuyafiiiiiii?!


IRE-REMAKE daw ang Petrang Kabayo? Huwat? Ano ining nabalitaan namin na ire-remake daw ang Petrang Kabayo ng kung sino diyan na laging may nag-tetext?! UTANG NA BUOT! Wala siyang karapatan! Nava-vibes ko na di niya mabibigyan ng justice ang role na buong husay na binuhay ni Roderick Paulate! Juice ko day! Sa internationally multi-awarded comeback movie nga niyang Ded na si Lolo, sa trailer pa lang hahalakhak ka na sa tawa. And Dick started very young, at the age of 4 umariba na ‘yan sa pagtanggap ng mga acting awards!

Speaking of Dick when he was 4, i-share ko lang a little anecdote na wis ko malimut-limutan involving Roderick Paulate. Ang aking darling twin na si Oskee Salazar (SLN) ang nakapansin kay Dick at his young age ay kulay verde na ang dugo! Yes, Venigna Vangkiyod, sa Escolta nu’ng araw kapag nag-ge-get together ang mga stars, kapag nag-si-C.R. kami nina Oskee at Dick, natataon na naroon din sa urinals si Victor Wood na isa sa pinakamahaba ang notch. Unknowingly, siguro curious ang bata kung bakit na-notice ni Oskee na hindi lang sina-sight ng batang si Dick ang dick ni Victor! At ang ever observant na si darling twin Oskee tine-take note na dumudukwang pa si Dick para ma-sight ang pinkish higher note ni Victor Wood. To borrow from Manay Susan, not once, not twice, but three times! Hahaha!

Anyway, mabalik tayo sa Petrang Kabayo. Ayaw na namin mag-istorya gud pero utang na buot! Di kayang i-duplicate, kung di man mapantayan ni Vice Ganda, ang galing sa timing at antics ni Dick na very natural sa kanya since birth! ‘Yun na!


PATWEETUMS? Di daw bagay sa nag-iisang Superstar ang pa-tweetums nito sa photos niya after her aesthetic procedure. Napanood naming ng ilang beses si Ate Guy at ang reaction ni Venigna Vangkiyod ay feeling teenybopper pa rin ito. In fernez kay Nora Aunor, very fresh ang dating niya ngayon.

Napansin namin na wala na ang ala-James Dean niyang noo and sa aming palagay, nagpa-coronal lift lang si Ate Guy dahil sa presence ng cap sa kanyang recent pictorials. We’re sure hindi major overhaul ang ginawa sa kanya ng Shinigawa Aesthetic Clinic sa Japan. Sariwang sariwa ang beauty niya in time for a comeback! Pero di na bagay ang pa-sweet poses, Ate Guy.. Kuyafi lagong!


BALIK NORA-VILMA RIVALRY. Speaking of Ate Guy, marami ang specul

ations na uuwi si Ate Guy para ikampanya si Villar. Naku ha, magkano kaya ang dahilan? Ayon sa ating mga kolokadidang sa New York at California, kuwidaw kay Sarah Geronimo tumataginting na

25M ang ibinigay kuno na pakanta-kanta lang sa campaign sorties. Eto nga raw si Juday inofferan ng 20M ni Manny Villar pero ang tsika, nang malaman niyang mas malaki pa kay Sarah, tinanggihan raw niya. Nagpapapr

esyo! Eh, magkano naman kaya sa nag-iisang Superstar na si Nora Aunor? Hindi puwedeng tawad-tawaran ‘yan, at malaki ang followings ni Ate Guy! We believe na malaking plus factor kay Villar si Ate Guy.

Kung may Vilma Santos si Noynoy, aba, may Nora Aunor naman si Villar. Ay mabubuhay na naman ang Nora-Vilma rivalry! Basta kami, wala kaming masabi, at magtatagisan pang lalo sina Noynoy Aquino at Manny Villar sa pagpasok ng

dalawang higante ng showbiz, hendevaduday?!


EDU, APING-API? Naaawa ako kay Edu Manzano, ang vice presidential candidate ng Lakas-Kampi-CMD at ka-tandem ni dating Defense secretary Gibo Teodoro. Why naman awa? Eh look naman, wis siya suportado ng partido, or so it seems. Isa siyang showbiz personality pero wis apir sa TV, radio, broadsheets, at kahit man lang tarpaulin o posters absentee ang fez ni Doods. Komento ng ilang miron, para daw siyang tumatakbo bilang kandidato sa isang fifth class municipality ng isang third class province sa budget na ini-allot sa kanya, KUNG MERON MAN! Sa nangyayari, mukhang tinatrato siyang fourth class citizen ng kanyang partido! Fourth class ba kamo? Eh divah second-highest position sa bansa ang tinatakbuhan niya?! Hanovaian… para tuloy siyang ginawang payaso ng Lakas-Kampi-CMD. Teka muna, baka naman kasi ang campaign funds na para sa vice presidential candidate ay binubulsa lamang ng mga you-know-who. Rampant ‘yan, hindivahnini?!


GO GIBO! Bibilib akong lalo kay Secretary Gibo Teodoro kung itutuluy-tuloy niya ang kanyang suporta sa Reproductive Health Bill. Nawa’y magkaroon siya ng bayag para isulong ang House Bill 5043. Huwag siyang maniniwala sa sinasabi ng mga taga-simbahang Katoliko na mawawalan siya ng boto kapag isinulong niya ang nasabing batas para sa reproductive health. It contains good health messages such as the promotion of breastfeeding, gender equity, good infant and child nutrition, elimination of violence against women, and unwanted pregnancies. Kaya’t walang karapatan ang CBCP na ipatanggal ang advertisement ng DOH. Sabi nga ng lola ko, “Kapugngan pa’y baha, nungka ang biga!” Hahahaha!

One thousand percent na nakikiisa ang Home for the Golden Gays pati na ang Ladlad partylist kay Secretary Cabral. Modesty aside, kami ni Mayor Pablo Cuneta ang nag-umpisa ng anti-AIDS awareness at masasabi naming we were successful at that. Kung hindi ba, bakit sa lumobong AIDS incidence nung nakaraang taon, eh isa lang ang naitalang AIDS victim sa Pasay? Very successful ang anti-AIDS awareness drive and maipagmamalaki kong nanggaling sa Pinas ang ganitong gimmickry. Nagpalipad kami ng giant condom sa Buendia na bumagsak sa Bataan at ang nakakuha ng giant condom ay inawardan ng P50,000 cash at P50,000 worth of items. After that, tinakot ako ng mga holier-than-thou na babagsak ang aking popularity at mawawalan ako ng boto. Sad to say, di sila nagtagumpay. I finished my three terms as City Councilor of Pasay with flying colors, hendevaduday?!


03 March 2010

Lloydie, ‘di na amoy-JJ!

Caucus ni Erwin binato… ganyan ba kayo sa Makati?

PANAHON na ng Kuwaresma at ang buong sambayanang Kristiyano ay mangingilin ngunit ano itong mga second-run moviehouses sa Mega Manila na lahat ng ipinalalabas ay mga triple-X films! Ang mga foreign films gaya ng "Diary of a Nymphomaniac", "Jennifer's Body," "Hump Day," "Californication," "Mad Day", at kung anik anik fah! Sey ni Cletorezza Jones, “Ano vah, Mahal na Araw na baka may lumuhod ng walang belo!” Ganun? Revolution of the Om Om? Hahahahaaaa!

KUMALAT sa Showbizlandia na next year na raw ang kasal ng sexy star na si Roxanne Guinoo and not this year dahil sa pamahiing sukob. Dahil dito, nag-react si Venigna
Vangkiyod at nag-comment ng “baka buntis?” Syempre tsismis lang itech at di magkakaroon ng linaw dahil patuloy pa ring nananahimik ang kampo ni Roxanne. I think, this is just but a rumor, as people were certainly shocked of her plan of settling down. Any thoughts about the rumor that Roxanne Guinoo is two months pregnant? Ano sa palagay ninyo?!

UMULAN daw ng mani sa caucus ni Erwin Genuino, kandidato para alkalde ng Makati City at anak ni Pagcor Chairman Efraim Genuino. Yes, pinagbabato raw ng peanuts sina Papa Erwin na nasa entablado with his konsehalibles kasama ang mga one-time showbiz personalities na sina Jobelle Salvador at Jun Soler aka
Virgilio Calimbahin. How disgusting naman ang ipinakitang ugali ng mga taga-Makati, walang galang, walang modo. Taong humaharap sa inyo binababoy ninyo! Ganyan ba kayo sa Makati?

PANIC ba ang ibig sabihin niyan? Does it mean natatakot kayo sa puwersa ni Erwin Genuino dahil sa kabila ng pangunguna sa survey kuning kuning nina Vice Mayor Mercado at Junjun Binay, baka magulantang kayo sa dark horse na biglang papaimbulog sa Mayo 2010? Kaya binababoy niyo na lang ang disenteng caucus ng grupo? Shame on Makati people! Hindi kami ganyan sa Pasay City. Sana hindi ganyan sa buong bansa.

YES, Wilhelmina Talinting, hindi na raw amoy-JJ ang dashing
debonair na si John Lloyd Cruz! Ano vah, Venigna Vangkiyod, wis na mag-react at hindi amoy-Justo Justo ang ginamin n'yan! JJ as in Johnson's and Johnson's baby powder vagah! Kung anu-ano iniizip! Why naman kuno wis JJ-smelling si Papa Lloydie?! Na-sad tuloy ang grupo ng Home for the Golden Gays na may taimtim na pagnanasa sa lead star ng "Miss You Like Crazy".. savi vah, ma-sad? Hahahahahaha! Anyways, naglaho na raw kasi ang innocence ni Papa Lloydie mula nang ma-link kay Ruffing, Christine Reyes at Shaina Magdayao, at ang smile n'ya, di na raw nagtataglay ng "innocence of a baby", kundi amoy-foodai. Mahalay va raw?! Hahahahaha! Wa ka kuyafiiiiii?

The Superstar is back!

MAGBABALIK Pilipinas na ang one and only Superstar, Nora Aunor! Ito ang magandang balitang narinig ko kay Lakay Deo Macalma at Pangga Ruth Abao ng DZRH-TV. Looking forward si Guy sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas this year lalupa't nasa negotiation stage na ang ilang projects na naghihintay sa kanya rito.

Since walang manager ngayon si Guy, isa si Kuya Germs sa mga tumutulong sa kanya ngayon. Balak din ni Kuya Germs na siya ang mag-produce ng comeback concert ni Guy sa Araneta Coliseum although may isa pang concert producer ang balak ding i-produce si Guy ng kanyang major concert sa Big Dome kasama ang Manila Philharmonic Orchestra at ito'y inaasikaso naman ng isa pang malapit kay Guy na si Albert Sunga.
Since under wraps pa ang iba pang projects na naghihintay kay Guy, ayaw niya munang magbigay ng detalye hangga't hindi pa sarado ang lahat.

Bukod sa concert, umaasa si Guy na makagawa ng isang matinding pelikula as her comeback movie ganoon din naman ng isang bagong teleserye and hopefully, bagong album. Mahigit limang taon nang nasa Amerika si Guy kaya ganoon na lamang ang kanyang excitement sa muling pagbabalik-bayan na kung hindi kami nagkakamali ay malamang mangyari sa buwan ng Abril pagkatapos ng kanyang series of concerts sa Canada.

Anyway, ibinalita rin na nag-fly si Guy mula LA (kung saan siya naka-base ngayon) patungong Tokyo, Japan kung saan siya isinailalim ng ilang medical procedures sa pama-mahala ng mga expert Japanese doctors ng Shinagawa Clinic, ang leading aesthethics center sa buong Japan. Ang tsika, inabot ng half-day ang ‘makeover’ ni Guy… nagpamonayafi?!

Naloka naman ako bakit pa kailangan sa Japan magpa-churva si Guy, eh nandito sa Pinas ang affordable at reliable na cosmedic services ni Dra. Jane Enriquez ng JJ & J 888 Rejuvination Center (Telefax 400-5539) ang surgeon to Hollywood and RP big stars!

Naalala ko tuloy si Madam Cornelia, ang dakilang magmamani ng Carbon, Cebu.. she’s 85 years old, na nagpa-‘overhaul’ kay Dra. Jane, and now if you see her, di ka maniniwalang she’s 85 because she looks like 40+ lang! I’m looking forward kung ano itsura ni Nora Aunor after the ‘makeover’ in Japan. Need daw kasi pagbabalik niya sa buwan ng Abril para sa pagbubukas ng Shinagawa Aesthetic Center sa Ayala na siya ang napiling celebrity endorser. Buong buwan ng Marso, she’ll be in Canada for a series of concert tour.

24 February 2010

Sexbomb, Juday at Iza Calzado pasado

Sa infomercial ng Comelec, p'wede!


BLIND ITEM: Talaga namang nagkalat ngayon kung saan-saang sulok ng Philippines ang mga showbiz reporters na paistar! At kuwidaw, literally sila’y nagkakalat! Naispatan natin ang reporter na itech sa isang totyal na casino na may tatlong araw nang wis uwi-uwi at mega-camouflage na lang ng cologne ang wa shower at mashohong scent nya! Wa ka kuyafiiiii?!


Ayon sa bubuwit ni Lakay Deo Macalma at Pangga Ruth Abao (Ahaha! Sabi vah manghiram ng bubuwit?), malakas ang kita ni reporter dahil ang mga alaga niya ay kabi-kabila ang raket at fully-booked lagi sa iba’t ibang TV, commercial at movie projects. Kaya si reporter dahil sa avalanche ng cash sa kanyang bank account, galit na galit sa pera at sa casino niya naisipan idoneyt kuning kuning.

Wala namang masama sa pag-cacasino, tulad ng ibang libangan, kapag moderate ay okay lang. Pero kapag nasobrahan at araw-gabi nang ginagawa, eh bisyo na ‘yan, bad na, hendevaduday?!

MALAS talaga sa pulitika itong si Richard Gomez. Biro mo, diniskwalipika siya ng Comelec na tumakbo bilang gobernador ng Leyte . 2007 nang tumakbo siyang senador pero natalo. Nu’ng 2001 sumabak naman ang kanyang MAD partylist at nanalo sa kongreso, pero wis pinayagan si Goma na umupo bilang partylist representative. Tapos, ngayon nga’y kinuwestiyon ng isang konsehal ang kanyang paninirahan sa Ormoc, Leyte , na kinatigan naman ng Komisyon. Buti na lang si Herbert Bautista nang idismis ng Ombudsman ang graft charges na isinampa laban sa kanya tungkol sa ghost projects na umano’y abot ng P2.7-milyon.


Speaking of disqualification, isa pa rin itong si Abraham Kahlil Blanco Mitra na incumbent Palawan 2nd District Rep. at tumatakbong gobernador ng Palawan . Disqualified din sa isyung di daw siya lehitimong taga-Palawan. Pwede ba ‘yon eh congressman kaya siya ngayon. At ang kanyang dad Speaker Ramon Mitra ang nagpasa ng panukala para maging independent component city ang Puerto Princesa, ang capital ng Palawan . Makakalaban ni Baham ang car magnate na si Don Pepito Alvarez sa pagka-governor. Lumalalim tuloy ang crease sa aking noo kaiisip kung ano ang dahilan ng Comelec kung bakit dinisqualify si Baham. May kaugnayan ba ito sa pag-deklara ng Comelec na si Mark Lapid ang nanalong gobernador ng Pampanga nung 2007 elections! Ano vah dalawang buwan na lang eleksyon na naman, uupo pa ba siya n’yaaaaan?

OVERKILL na daw ang Ladlad. Share ito sa atin ni Mark Villar (president ng Villar Foundation at panganay ni Senator Manny Villar) nang makatsikahan natin siya sa isang barangay basketball league. Syempre Mark meant it on a positive note, saying na sa more than 10-million (male and female) gays and pro-gay supporters, swak na swak na raw sa Kamara ang Ladlad partylist ni Danton Remoto.


Natuwa naman si Danton sa remark na ito ni Mark. Actually, Manny Villar has been helping many projects of the Home of the Golden Gays. Marami ring members ng Silver Gays ang nagparating ng kanilang pasasalamat kay Manny V. through Mark. Isa na rito si Felix Miranda, isang singer sa mga bars sa Malate strip. May lumapit pa nga na mga parlorista at mananahi na nagsabing malaking bagay sa kanila ang commercial na Michael V on Manny V kung saan isang bading na parlorista ang ipinortray ni Bitoy. Sabi ni Junerose Abril, stylist at accessorizer ng Miss Earth pageant, it’s a good thing na hindi homophobic ang pamilya Villar, from Mark, Paolo, Camille, Congresswoman Cynthia and Senator Manny, lahat sila totoong friendly sa lahat ng uri ng tao – mahirap, mayaman, bata, matanda, bakla, tomboy, o straight. At ‘yan ang dahilan kaya’t suportado sila ng mga vading. In Cebu along with Charlotte Cinco and Joseph Nacion (Ladlad-Visayas) mga Villar-Legarda die hards sila.


Si Gay Sham Dading ng Cotabato City nga, isang ardent follower ni Cory Aquino. Pero ngayon siya’y Manny Villar supporter dahil sa pro-poor at pro-gay programs ni Manny V. Marami tayong kafatid na naghahanap ng kalinga sa namumuno sa ating bansa. Laugh all you will, Venigna Vangkiyod! Pero remember, Barack Obama became president dahil sinuportahan niya ang mga bading – there were an estimated more or less 10 million gays and pro-gays who voted for Obama. Ito rin ang dahilan kung bakit biglang nag-180º turn si Bro. Eddie na anti-gay before.

Ito rin ang tsika sa atin ni Alik Gonzales of Sibugay, Zamboanga, na 100% support siya kay Loren at Manny. Di lang naman during this season naging matulungin ang mga Villar, mayroon nga silang Villar Foundation na Oh diva naman? It really pays to be sincere in what you do, at iwasang maging mapang-uri. ‘Yun na!


BACK to Comelec, hindi daw sila mag-ha-hire ng “identified” celebrity na political endorsers ngayon para sa gagawin nilang infomercial para sa automated elections. Di lahat ng gustong mag-offer ng kanilang serbisyo ay pasado sa Comelec. Pero nabanggit ang mga pangalan nina Judy Ann Santos , Iza Calzado, at ang all-girl novelty group na Sexbomb Girls na pasado bilang stars sa Comelec infomercial kung sakaling papayag ang mga ito. Sori na lang kina Kris at Puppy Willie, talbog ang byuti nila! Kuyafi lagong!


MANINIWALA ka ba na sina Melai at Jason ay may relasyon? Ay naku suhulan man ako ng milyones bilyones trilyones ‘dayyyy di ako matitinag! They are not an ‘item’. May kani-kaniyang kolokadidang kaya ang PBB lovey doveys and I’m sure as azure na they’ll go back in the arms of the ones they love once they go back to their hometownz! Korekvakwoh?!

17 February 2010

Mga kandidato sa 2010 elections, HIV-positive!


BLIND ITEM: Sino itong isang dating sikat na bombshell ang ngayo’y wanted sa Estafa dahil sa fatung-fatong sapin-sapin salavat-salavat na utang at tatlong taon nang di nakakabayad sa condo unit na nire-rent to own nito sa Makati?! Ang dating beautiful, sexy and flawless actress ay di magkandaugaga noon sa kabi-kabilang raket including sunod-sunod na movie assignments, TV guestings, commercial endorsements at concert tours noong kasikatan niya! How true na gumon na daw sa pinagbabawal na gamot ang reyna taklesa kaya’t pati anak niyang piloto ay nag-give up na sa kanya at nag-fly away na sa abroad! Ang Malaysian-British descent na sexy star noon ay sobrang Payatolla Khomeini na now, at ngayo’y pinaghahanap siya ni Atty. Rogelio “Waray” Evasco pagkatapos magsumbong ng landlady ni bombshell dahil siya pa raw ang matapang kapag sinisingil, at may isang taon nang missing in action ang lowlah! Incidentally, si Atty. Waray ang founder ng PACYAW partylist na noon pa nagbibigay ng libreng legal consultancy and legal action sa mga mahihirap nating kababayan. Catch him on RHTV every Sunday 10-12nn, MWF 3-4pm. Ano ba usaping legal ba gow na!


DUMARAMI SILA. Yes, Venigna Vankiyod! Marami sa mga tumatakbong kandidato ngayong 2010 elections ang positibo sa HIV.. bumilang ka mula sa mga presidentiables, down to the konsehalibles, babae o lalaki man, nakakagulantang na 65% sa kanilang lahat ay HIV positive kahit hindi pa miyembro ng Bureau of Soils! Trulili, HIV as in Hair Is Vanishing, na ‘yung iba’y disimulado sa paglalagay ng wig o toupee, ‘yung iba’y medyo lumalawak ang playground ng mga kuto sa bumbunan, at ang embarrassing ay yaong mga abot hanggang puyo ang noo! Santamayangdebabazit! Meron pa namang solusyon d’yan and it’s not the end of the world! Go to JJ & J Rejuvination Center (www.justojusto.com or 09391227888) for a satisfying ‘reinvention’ of yourself! Ang cosmedic surgeon to the stars na si Dra. Jane Enriquez ang bahala sa inyo and you’ll be pleasantly surprised, promise!


LGU support. Speaking of HIV, na-excite naman ako nang dumalaw kami kay Mayor Peewee dahil dito sa kanyang Millennium Development Project para sa Pasay, at isa na rito ang information campaign against the dreaded HIV-Aids virus. I guess naging successful naman ang inyong lingkod sa anti-AIDS campaign ko noon as a councilor with the help of AIDS victim herself Sarah Jane Salazar. Successful dahil kahit tumaas ang incidence ng AIDS victims sa Pilipinas, isa lang ang taga-Pasay / nagtatrabaho sa Pasay na mayroong AIDS in ten years. And this time, hindi na sa mga club or gays nanggagaling ang AIDS victims, kundi sa mga yuppies or young professionals. Kudos, Mayor Peewee!


LP Pasay gems. Sa Pasay pa rin, nakaagaw ng pansin ko ang byuti ni Tricia del Rosario, ang maybahay ng business tycoon na si George del Rosario. Ahahay, pero di pa rin ako nagmo-morph na tomboy noh! Talaga lang hanga ako sa natural beauty ni Madam Tricia, at napaka-soft spoken at sweet na kausap. Sina George at Tricia ay mga staunch supporters ni Vice Mayor Tony Calixto at Konsehala Emi Calixto-Rubiano who incidentally are taking politics on another level: Tony challenging reelectionist Mayor Peewee, and Emi challenging reelectionist Lito Roxas in Congress. Bilib sila sa sa magkapatid na Calixto at alam nilang maraming kayang gawin ang dalawa. Anyway, another reason why Tricia caught my eye, is that she resembles my dear friend Lailing (my nickname for the beautiful actress Pilar Pilapil)… plangak mga ka-FS at ka-FB! Tricia’s smile reminds me of Lailing.. at nang magkuwentuhan kami kasama si teacher Neric Acosta, lalo naman akong natuwa dahil Bisaya pala ini at nagbisaya kaming tatlo! Kaya pala magaganda tayo devah?! Wa ka kuyafi, Mother Leony?!


FHM’s latest? Si Jackie Rice na nga ba ang susunod na sexiest woman? From being a tweetums wholesome actress ay nag-switch na nga ba into daring si Jackie Rice sa pagsabak niya sa bagong teleserye ng GMA 7, ang “Panday Kids”? Well, she’s got the face, she’s got the body.. why not flaunt it dibaga? Kung hindi nga siya gaanong hasa sa acting, singing, at dancing department, sa sexy-action nga puedeng masubukan ang forte ni Jackie. Just like Angel Locsin na wa sey sa acting, singing at dancing, dapat mag-concentrate na lang sa pag-display ng magandang mukha at katawan si Angel Locsin. Sana sa pagpapalit niya ng manager, Ms. Ethel Ramos will give this a thought. Di naman kasalanang mortal ang pagpapasexy.. it is where the likes of Vilma Santos, Lorna Tolentino, Jacklyn Jose and Rio Locsin were catapulted to stardom! ‘Yun o!